Press "Enter" to skip to content

UV Express At Traditional Jeepneys, Magbabalik-Byahe Na Sa Susunod Na Linggo!

Tila narinig na ang dalangin ng maraming drayber ng UV express at traditional jeepneys na magkaroon na ng ‘go signal’ na makapagbyahe na muli. Bunsod ng higit tatlong buwan na tigil pasada, maraming driver ang naghuhumiyaw na sa hirap ng buhay lalo pa ngayon na may pandemya.

Balik-byahe

Sa online hearing ng House Committee of Metro Manila Development, ibinahagi ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board chairman Martin Delgra na maaari nang bumyahe ang mga UV Express at traditional jeepney sa susunod na linggo.

UV Express At Traditional Jeepneys, Magbabalik-Byahe Na Sa Susunod Na Linggo! 2
Inquirer.Net

Sa tanong ni Caloocan City District 2 Representative Edgar Erice, tinanong nito si Delgra kung kailan mapapayagan ang mga tsuper ng jeep at UV na makabyahe sa kabila ng patuloy na paglaban ng bansa sa pandemic. Sagot ng LTFRB chair,

“Next week for both UV and traditional jeepneys”

Walang partikular na araw

Dagdag pa nito, sa Lunes ay may mga magbubukas na slot para sa mga UV Express. Kasunod nito ay slots naman para sa mga jeepney.

“For Monday may bubuksan na mga (there will be slots opened for) UV, and then followed by the traditional jeepney,”

Gayunpaman, walang ibinigay na eksaktong araw kung kailan nga ba talaga makakabalik byahe ang mga traditional jeep.

Two phases

Sa kasalukuyan ay may sinusunod na two-phase resumption of public utility vehicles. Sa nakaimplement sa tinatawag na ‘hierarchy of transport,’ binibigyang prayoridad ang mga sasakyan na may kakayanan na magbyahe ng mas maraming tao.

Sa first phase ay pinayagan ang mga bus augmentations, trains, point-to-point buses, transport network vehicles, tricycles, at taxis. Sa second phase ay prayoridad ang mga modern jeepneys at mga UV Express vans.

Pinaliwanag ni Delgra ang hierarchy of transport na kung saan,

“’Yung sa hierarchy, ang sinasabi natin dito na yung may mas malaking kapasidad na makakadala ng pasahero from point A to point B, yun ang sinasabi natin na may preference,”

Kapasidad ng operator

Dagdag pa nito, tinukoy din nito ang kapasidad ng mga operator, partikular sa pagmamanage ng kani-kaniyang units. Aniya,

“The bus and modern jeepney we’re talking about, they are better managed than the traditional jeepney or the UV Express,”

Source: Inquirer.Net

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: