Press "Enter" to skip to content

Uwian Na! Balik Probinsya Program Ng Gobyerno Dinumog Ng Libo-libong Online Applicants Sa Metro Manila

Manila – Naging mainit ang pagtanggap ng mga residente ng Metro Manila sa Balik-Probinsya program na isinulong ni Senator Bong Go. Sa kasalukuyan, pumalo na sa 10,000 ang bilang ng mga nag enroll sa nasabing programa.

Balik Probinsya program

Ang nasabing programa ng gobyerno ay naglalayong mabawasan ang dami ng tao sa National Capital Region o NCR. Ang pag lobo kasi ng populasyon sa nasabing rehiyon ang itinuturong isa sa mga dahilan kung bakit nahihirapan ang gobyerno na sugpuin ang COVID-19.

Layunin din ng Balik Probinsya program na mapaunlad ang mga probinsya upang sa gayon ay hindi na naisin pa ng mga tao na pumunta ng Metro Manila upang humanap ng trabaho.

Sa ilalim ng programang ito, susuportahan ng gobyerno ang sino man na gusto ng umuwi at permanenteng manirahan sa kani-kanilang probinsya. Sasagutin ng pamahalaan ang pamasahe at bibigyan ng maliit na pangsimula ang mga mapipili sa programang ito.

Mainit na pagtanggap ng mga tao

Labis na natuwa si National Housing Authority General Manager Marcelino Escalada Jr., sa naging tugon ng mga residente sa nasabing programa. Noong Mayo 6 lamang kasi ito nagsimulang tumanggap ng aplikante ngunit libo libo na agad ang aplikante.

Uwian Na! Balik Probinsya Program Ng Gobyerno Dinumog Ng Libo-libong Online Applicants Sa Metro Manila 2

“(It is) very promising because three days or four days thereafter, I already see 10,000 enrollees all over Metro Manila going to the top 10 provinces and municipalities of our country,” – Escalada

Maraming pangkabuhayan na pagpipilian

Maraming inaalok na pangkabuhayan ang gobyerno sa mapipiling aplikante. Kabilang na sa pagpipilian ay pagsasaka, pagtatanim, at pagtatayo ng sari-sari store. Mahigit 10 probinsya naman ang target pag uwian sa mga residente kabilang na ang Leyte, Bohol, Samar, at Camarines Sur.

“’Yun ang tumbok natin ngayon, fishing ba, farming ba, sari-sari store ba, driving? There are 10 options (in the application form), dropdown lang, so that specific ‘yung interventions ng ating government agencies involved,” ani Escalada.

Sigurado ang pagbabagong simula

Sisiguruhin din ni Escalada na handa na agad ang mga tulong na ibibigay sa kanila sa oras na umuwi na sila sa probinsya. Makikipag koordina siya sa mga Local Government Units o LGU para sa maayos na pagbabagong simula ng mga uuwi.

Dagdag pa niya,“Above all, ito ‘yung pinakabagong infusion ko sa program. I will make sure that Comelec will automatically register the transfer of our kababayans from Metro Manila to the provinces, ma-transfer na siya kaagad in terms of residency and registration,”

Samantala, sinabi ni Department of Human Settlements and Urban Development Secretary Eduardo Del Rosario, na handa ang kanilang ahensya na mag alok ng pabahay sa mga mapipiling aplikante. Marami umanong pabahay pa ang gobyerno na maaaring igawad sa mga ito

Source: Inquirer.Net

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: