Press "Enter" to skip to content

Uy Special? Senator Koko Pimentel III, Nabigyan Pa Ng Ilang Linggo Bago Imbestigahan Ng DOJ

Manila – nabigyan ng ilang linggo pa si Senator Aquilino “Kiko” Pimentel III bago harapin ang preliminary investigation laban sa kanya patungkol sa reklamong inihain dahil sa paglabag nito sa quarantine protocol.

Kasalanan ng MECQ

Ayon sa Department of Justice o DOJ, ang pagpapaliban ay dahil sa umiiral ngayong quarantine protocol. Ang buong Metro Manila pati na ang ilang probinsya kasi ay kasalukuyang nasa ilalim pa ng Modified Enhanced Community Quarantine o MECQ.

Batay sa naunang petsa, sa Mayo 20 sana sisimulan ang preliminary investigation. Ngunit dahil nga sa MECQ, inilipat ito ng Hunyo 18. Ibig sabihin, kulang 1 buwan pa ang hihintayin upang masimulan ng DOJ ang pag iimbestiga.

Hindi pa sigurado sa Hunyo

Ayon kay DOJ Prosecutor General Benedicto Malcontento, hindi pa rin sigurado na matutuloy ito sa susunod na buwan. Nakadepende umano ito sa magiging estado ng Metro Manila pagdating ng Hunyo.

Uy Special? Senator Koko Pimentel III, Nabigyan Pa Ng Ilang Linggo Bago Imbestigahan Ng DOJ 2

Ang reklamo ay pormal na isinampa ng dating dean ng University of Makati na si Rico Quicho noong Abril 6. Ayon kay Quico, nilabag ni Senator Pimentel ang Republic Act 11332 o mas kilala bilang Mandatory Reporting of Notifiable Disease and Health Events of Public Health Concern Act.

Positibo sa COVID-19

Matatandaan na naging laman ng balita ang nasabing senador dahil sa personal na paghatid nito sa kanyang asawa na si Kathryna sa Makati Medical Center. Naka schedule kasi ang kanyang asawa para sa isang cesarean operation.

Ang simpleng pag alalay sa asawa ay naghatid ng panganib sa buong ospital dahil ang senador pala ay nagpositibo sa Coronavirus disease o COVID-19. Ayon sa reklamo ng Makati Med, nag ikot pa sa buong kwarto si Pimentel kahit alam niyang maaari siyang makahawa.

Depensa ng senador

Depensa naman ng senador, huli na ng malaman niya na resulta ng kanyang test. Nasa ospital na umano sila ng lumabas ang resulta. Agad naman umano siyang umalis sa ospital ng matanggap niya ang resulta.

Sa ngayon, naghihintay pa ang publiko para sa nasabing preliminary investigation. Ayon kay DOJ Secretary Menardo Guevarra, didinggin ng DOJ ang reklamo base lamang sa mga ebidensyang iprinisinta ng magkabilang kampo at wala ng iba pa.

Source: Philstar Global

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: