Press "Enter" to skip to content

Valentina, Nanawagan Na Wag Sila Pagawayin Ni Darna

Manila, Philippines – Matapos isabong ang dalawang aktres ng kani-kanilang fans, tuluyan na nga nilang nilinaw sa lahat at hindi na pinalaki ang mga paninirang isyu sa pagitan ng dalawang aktress ng kapamilya stars na sina Angel Locsin at Alessandra De Rossi.

Pag sasabong sa kapamilya stars

Isa kasi si Alessandra sa mga artistang isinasabong ng mga netizens kay Angel dahil sa sagutan nila sa kanilang mga social media accounts nitong nakaraang araw. Bagama’t noong una ay walang pinangalanan si Angel sa kaniyang mga sinabi, malakas ang naging usap-usapin na ang mga pinapatamaan nito ay sina Sarah G, Nadine Lustre, Jane Deleon at Alessandra De Rossi.

Valentina, Nanawagan Na Wag Sila Pagawayin Ni Darna 2

Dahil ito sa nangyaring pagsasalita ni Angel sa nangyaring noise barrage noon sa labas ng ABS-CBN at hinihikagat nito ang kaniyang kapwa artista na huwag manahimik dahil ipinasara na ang kanilang home network.

Lalo ng lumakas ang kuro-kuro ng mag post si Alex sa kankyamg Twitter account ng mala-sarcastic na mga tweets at sinabi niyang takot siya magka-Covid at hindi talaga siya puwedeng magpunta doon. Isa pa, siguradong mababatukan daw siya ng kanyang nanay kapag sumama siya sa rally.

Pag klaro ng bawat kampo

Tinapos na ng bawat kampo ang kuro-kuro ng maraming netizens na gumagawa ng isyu sa pagitan nina Angel at Alex. Kaya naman to the rescue si Darna at agad na pinuhupa ang maling alegasyon sa kaniya ng kaniyang matalik na kaibigang si Valentina. Sa Instagram story ni Angel ay sinabi niyang intact ang friendship nila ni Alessandra.

Valentina, Nanawagan Na Wag Sila Pagawayin Ni Darna 3

Ani niya,

“Sukat na ng panahon. Respeto’t pagkakaibigan @msderossi @therealangellocsin.Hindi magagapi ng kasamaan.”

Sinagot naman ito ni Alex sa kaniyang Twitter account at nagpaabot ng pasasalamat kay Darna. Kaniya din ipinagtanggol ito sa mga taong mapanghusga na pilit sinisira ang kanilang magandang pagkakaibigan ng aktres.

Sambit ni Alex,

“Please wag kami ni @123redangel. Mahal ko siya at iba respeto ko sa tapang niya. Sa totoo lang, paano ba siya mapapasalamatan sa lahaf ng tulong na ginawa niya sa bansa? Lahat ng sulok narating niya. Bilib ako pero hindi ako siya. May respeto rin siya sa akin na takot ako lumabas.”

Valentina, Nanawagan Na Wag Sila Pagawayin Ni Darna 4

Dagdag pa ni Alex,

“Nakikiusap ako sa mga gumagawa ng gulo at headlines. NO!! Mahal ko yan! Kung may gusto ako sabihin sa kaniya, itatawag ko na lang. Ba’t magpaparinig? Iba siya, iba ako. Iba laban niya, iba din akin. Magkakampi si Darna at Valentina. I love you Angel ng lahat!”

Darna vs Darna isyu

Samantala, tinuldukan din ni Angel ang isyu na kinasasangkutan nito matapos idawit ng netizens ang pangalan ni Jane De Leon na isa sa mga pinariringgan ni Angel.

Ani ni Jane sa kaniyang post,

“I JUST WANT TO EXPRESS MYSELF. We all know how hard life is with so many things happening globally and here in our country. Especially now that we are going through unique difficulties. Each of us has a different approach on how to resolve and overcome these challenges.”

Ito ay matapos niyang depensahan ang sarili kung bakit siya hindi nakapunta sa rally. Bagamat hindi pinangalanan, sinagot ito ni Angel sa kaniyang social media account at lumakas nga ang chismis na si Jane ang pinatutungkulan ni Angel.

Ayon kay Angel,

“No one asked you to go to a rally. Obviously, you don’t need to go out to use your voice for the voiceless. But making up an excuse to save face at the expense of those who are fighting for their lives is purely disgusting.”

Valentina, Nanawagan Na Wag Sila Pagawayin Ni Darna 5

Ngunit nilinaw ng Manager ni Jane na si Tyron Escalante na ang lahat ng isyu at intriga sa pagitan ng dalawang Darna ay natapos na nang tinawagan ni Angel si Jane via Zoom. Doon ay nagusap sila at nagkapalinawagan hanggang sa napagkasunduan nilang magka-isa dahil pareho lang naman ang kanilang pinaglalaban.

Kasama rin sa kanilang Zoom meeting ang Kapuso actress na si Iza Caldado. Sabi nga sa huli ng dalawa, mas maganda ‘yung maraming kaibigan kesa sa maraming kaaway.

Source: Push

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: