Press "Enter" to skip to content

Valenzuela City Mayor, Nawindang Matapos Mapagkamalang Pinuno Din Ng South American Country Na Venezuela

Sa isang post ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian, huwebes, ika-9 ng Abril sa kanyang twitter account, sinabi niyang may mga ilang netizen ang nagagalit sakanya. Nangyari ito matapos na mapagkamalan siyang pinuno din umano ng South American country na Venezuela kung saan ay nagprusisyon ang mga tao kahit na mayroong banta ng COVID-19.

Nagkalituhan

Tila nalito ang ilang mga netizen sa isang balita na ipinost sa social media ng ABS-CBN News. Ito ay larawan ng mga nagprusisyon sa Nazarene of St. Paul sa gitna ng COVID-19 sa bansang Venezuela.

Makikita sa mga larawan ang maraming tao ang nagsisiksian at tila walang sinusunod na social distancing. Bagaman may mga iilang naka-face mask, makikita na marami rin ang walag suot nio.

Grabe ka Mayor

Sa isang post naman ni ChaiChu sakanyang social media account, pinakita niya ang ibat-ibang reaksyon ng mga netizen tungkol sa nasabing balita. Ayon sakaniya, hindi muna umano inintindi ang post at basta na lamang nagreact ang mga ito,

Pabiro naman itong sinagot ng alkalde sakaniyang post at sinabi nito na Mayor siya ng Valenzuela at hindi ng bansang Venezuela.

“So ang daming nagagalit sa akin dahil dito. Hindi ko alam na ako na din pala ang pinuno ng bansa na Venezuela. Mga sirs and ma’ams, Mayor po ako ng dakilang lungsod ng Valenzuela. Hindi po ng bansa na Venezuela…”

Nang dahil naman sa hindi pagkakaintindihan na ito, dumami naman lalo umano ang followers ng alkalde.

Totohanin na

Pabiro rin namang sinabi ng alkade na totohanin nalang maski papano ang di pag-kakaintidihan. Sinabi pa niya na sa oras na matapos ang COVID-19, makikipag-ugnayan siya sa Caracas, Capital ng bansang Venezuela na maging isang Sister City ang lungsod ng Valenzuela ng nasabing bansa.

Maraming netizen naman ang muling natuwa sa alkalde na kilalang kilala sa pagiging cool at funny nito.

Soure: Inquirer.net

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: