Press "Enter" to skip to content

Veteran Broadcaster Jay Sonza, Nakatikim Din Ng Labor Abuse Mula Sa ABS-CBN

Ibinahagi ng batikan at dating brodkaster na si Jay Sonza ang karanasan mula sa kamay ng dating employer, ang ABS-CBN. Sinimulan nito ang kwento pabalik sa taong 1996 noong ito ay bigyan ng Loyalty and Lifetime Achievement Award ng ABS-CBN.

Awardee

Ang award ay bunsod ng kanyang dedikasyon sa network bilang manunulat, reporter, program presenter, deskman, executive producer, supervising producer, network representative sa ibat ibang regional at international na award giving bodies. Liban pa diyan, ito ay para sa kanyang sakripisyo noong kapanahunan ng mga pag-attempt ng Kudeta, sa Mt Pinatubo eruption, Cabanatuan-Baguio tragedy at iba pang mga historical events sa bansa. Ang recognition na natanggap ni Sonza ay para din sa serbisyo nito sa network sa loob ng higit isang dekada at 25 taon sa industriya.

Veteran Broadcaster Jay Sonza, Nakatikim Din Ng Labor Abuse Mula Sa ABS-CBN 2

Kapamilya

Sa awarding para sakanya ay unang nabanggit nag salitang “Kapamilya” na syang tumatak hanggang sa ngayon.

Gayunpaman, ilang araw matapos ito bigyan ng award ay may mas malaking bagay pa palang kapalit ito. Tinanggal sya at ang kanyang programa na Mel & Jay. Hindi pa nakontento aniya ang network, idinemanda sya ng network sa Quezon City Regional Trial Court na kung saan ay nanghingi ito ng P300 million bilang danyos.

Nilubos pa

Hindi lamang tinanggal sa trabaho at dinemanda, nagfile pa diumano ang ABS-CBN ng Temporary Restraining Order upang hindi ito sa ibang kumpanya o network.

“Not happy still, they prevented me from seeking employment elsewhere by filing a Temporary Restraining Order.”

Nagfile din ng Permanent Injunction ang ABS-CBN sa future employer sana ni Jay Sonza, ang GMA Network Inc.

“They likewise sought a Permanent Injunction against me and my future employer, GMA Network Inc.”

Panalo sa kaso

Pasasalamat ni Sonza, na-lift ang permanent injunction order ng ABS-CBN sa GMA laban sakanya at nanalo sya sa kaso.

“By God’s grace, the injunction was lifted, they eventually lost the case.”

Source: Jay Sonza

One Comment

  1. Kriz remelyn locanilao Kriz remelyn locanilao May 13, 2020

    Coco Martin
    Mag tiktok ka nalang

Leave a Reply

%d bloggers like this: