Press "Enter" to skip to content

Vicky Belo, Nag Car Wash Challenge Ala Ivana Alawi; Doc Belo, May Paggiling Pa

Trending ngayon sa social media ang pag cocollab ng YouTube sensation na si Ivana Alawi at celebrity doctor na si Vicky Belo. Sa kanilang vlog, ginaya ni Belo ang sikat na video ni Ivana na paglilinis ng sasakyan sa sexy na paraan.

Video collab

Naging bisita ni Belo si Ivana sa kanilang tahanan upang makakwentuhan tungkol sa buhay ni Ivana. Kilala kasi bilang suki ng Belo medical clinic si Ivana kaya naman napaka ganda at napakakinis ng balat nito.

Vicky Belo, Nag Car Wash Challenge Ala Ivana Alawi; Doc Belo, May Paggiling Pa 2

Inamin ni Ivana na hindi maganda ang kanyang kutis noon subalit ng magpunta siya sa isang clinic ni Belo ay gumanda na ang kanyang balat. Kaya naman proud na proud si Ivana na maging Belo baby.

Buhay pag-ibig

Maging ang naging buhay noon ni Ivana ay napag-usapan ng dalawa. Lahat ng naging rejections ni Ivana noong nagsisimula pa siya sa showbiz. Kaya namana pinagtuunan na lamang dati ni Ivana ang kanyang pag-aaral.

Vicky Belo, Nag Car Wash Challenge Ala Ivana Alawi; Doc Belo, May Paggiling Pa 3

Nagkaroon ng heart to heart talk ang dalawa tungkol sa buhay pag-ibig dahil pareho ang naging karanasan nila. Pareho silang nakaranas ng pangangaliwa mula sa kanilang partner. Kaya naman naging masaya ang naging kwentuhan ng dalawa.

Sexy carwash

Sa kanilang kwentuhan ay naitanong ni Belo kung bakit bentang benta sa mga viewers ang pagka carwash ni at paglalaba ni Ivana. Ayon kay Ivana, normal lang sa kanya ang paglalaba at paglilinis ng sasakyan.

Vicky Belo, Nag Car Wash Challenge Ala Ivana Alawi; Doc Belo, May Paggiling Pa 4

Naging interesado si Belo sa pagka car wash kaya naman sinubukan niya ito. Tinuruan ni Ivana kung paano mag car wash si Belo. Maging ang anak ni Belo na si Scarlet ay nakisali na rin sa paglilinis ng sasakyan.

Tuwang tuwa si Belo dahil first time niyang maglinis ng sasakyan. Ginaya pa niya ang mga sexy pose ni Ivana kaya naman tuwang tuwa ang mga nanood. Umani ng naparaming papuri si Belo dahil tila hindi ito tumatanda. Napakaganda pa rin ng hubog ng kanyang katawan. Sa huli, ang car wash ay nauwi sa pagliligo ng dalawa.

Source: Dr. Vicki Belo

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: