Press "Enter" to skip to content

Vico Sotto Nagtanggal Ng Mga Empleyado Sa Pasig

Last updated on June 18, 2020

Nagtanggal si Pasig Mayor Vico Sotto ng anim na Traffic Parking Management Office (TPMO) enforcers o mas kilala sa tawag na blue boys dahil sa kanilang signature na blue uniform. Tinaggal sila dahil umano sa kasong pag hingi ng kotong o bribery.

Ang problema

Matagal na di umanong problema ng mga motorista ang walang hiyang pangongotong ng mga blue boys. Kilalang kilala na daw sila sa kultura ng paghingi ng pera o mang bribe ng mga motorista na nakatira or dumadaan lamang sa lungsod ng Pasig.

Vico Sotto Nagtanggal Ng Mga Empleyado Sa Pasig 2
Photo Caption: MetroNewsCentral

Karamihan sa nasabing enforcers ay corrupt at hindi ginagampanan ng maayos ang kanilang tungkulin na magpatupad ng batas trapiko. Imbes na sumunod at ipatupad ang batas sila pa ang nangunguna para baliin at ipagsawalang bahala ito.

Ang solusyon

Matapos ang ilang warning sa mga enforcers, winakasan ni Vico ang tungkulin ng mga ito at tinanggal sila sa serbisyo. Ayon sa social media post ni Mayor noong Lunes ay natapos na niyang pirmahan ang dismissal orders ng anim na enforcers.

Vico Sotto Nagtanggal Ng Mga Empleyado Sa Pasig 3
Photo Credit: Philnews

Masakit umano para kay Mayor ang pagtanggal sa serbisyo ng mga enforcers dahil mawawalan sila ng trabaho pero kung laging pagbibigyan ang mga ito ay walang mangyayaring pagbabago. Ayon kay Mayor nagbigay sya ng sapat na warning sa mga enforcers.

Ang kampanya

Ang kampanya ni Vico ay tungkol sa pag tigil sa kultura ng corruption. Gusto ni Vico na dumating ang araw na kapag narinig ng mga tao ang blue boys hindi na nila sasabihin na corrupt enforcers ang mga ito at naghihintay lamang sila ng mga taong mahuhuli at makukunan ng kotong.

Nais niyang baguhin ang nasa isipan ng mga mamayan na kapg sinabing blue boys, sila ay mga masisipag at mapagkakatiwalaan.

Vico Sotto Nagtanggal Ng Mga Empleyado Sa Pasig 4
Photo Credits: FacebookPage

Matatandaan na nanalo si Vico sa dating Mayor na si Robert Eusebio noong halalan 2019. Simula noon, marami na ang humanga sa baguhang Mayor dahil sa mga magaganda nitong nagawa sa lungsod.

Source: Inquirer

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: