Press "Enter" to skip to content

Video Ng Kakaibang Tiktok Version Ng Isang Domestic Helper Sa Saudi, Pinag-usapan!

Sa video na ipinost ng isang netizen ay makikita kung gaano kahirap ang ginagawang trabaho ng isa lamang sa ating mga kababayang OFW sa bansang Middle East. Ang video ay isang kakaibang tiktok version na ipinost sa facebook at naging usap-usapan.

Ang nag post

Ang tiktok video ay ipinost ni Ycelle Mendoza sa kaniyang facebook account noong Sabado June, 27. Ang tiktok version na ito ay naging kakaiba sa lahat ng mga napapanood ng mga netizen sa mga social media dahil sa videong ito ay makikita ang totoong buhay kung gaano kahirap ang ginagawang trabaho ng ating mga kababayang OFW sa ibang bansa partikular na sa Middle East.

Ang Nag post- Tiktok
Photo Credit: Facebook

Ang video ay naging usap-usapan ngayon at umani ng iba’t-ibang kumento mula sa mga netizen na nakapanood nito.

Hirap sa ibang bansa

Ayon sa isang ilokanong lengwahe ni Ycelle kung saan sinabi nito na ganito ang ginagawang pagkukuskos ng mga dingding sa ibang-bansa at kulang na lang diumano ay pati ang kisame at pagbaliktad ng bahay ay gawin. Ganito umano kahirap at nakakaawa ang ating mga domestic helper sa ibang bansa.

Sa Ibang bansa- Tiktok
Photo Credit: Facebook

Ayon naman kay Noralyn Golilia,

“Naku ganyan ako sa amo ko dati para akong si spider woman.. “

Ang tiktok video

Ang tiktok ay isa lamang sa mga apps na kinagiliwan ng marami dahil sa nakatuwang mga nagagawa dito gaya na lamang sa pang gagaya ng boses ng ilang mga sikat na artista. Isa ang apps na ito sa nag alis ng pagkabagot noong panahon ng pandemya, gayundin naging daan sa pagpapasaya sa gitna ng krisis na kinaharap ng bansa.

Ang Tiktok Video- Tiktok
Photo Credit: Facebook

Ngunit, ang version na ito ay na kuha ni Ycelle ay naging kakaiba dahil ito ay isa lamang sa nagpakita ng totoong buhay na nararanasan ng ating mga kababayan sa ibang bansa.

Samantala, ang naturang video ay nagkaroon na ng 159 views at iba’t-ibang reaction mula sa mga netizen.

Narito ang nasabing video

Marj Ediefel, ate Nelia Jordan days ney 🤣 agkuskos pay diding kada kisame kurang na lng baliktadem ta balay nga kirkiran.. adu nga rigat met 😪 ngem kaasi ti Apo nakayanan! 😊

Posted by Ycelle Q. Mendoza-Golila on Saturday, June 27, 2020

Para sa iba pang mga balita at impormasyon bisitahin ang PinasBalita.

Source: FACEBOOK

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: