Press "Enter" to skip to content

Video Ng Maaksyon Na Paghuli Kay Willie Asuncion, Lumabas Na

Maaksyon at nakaka-kaba ang naging eksena ng paghuli sa FM station owner na si Willie Asuncion. Ito ay matapos nitong magtangkang pumalag sa entrapment operation ng CIDG at ni idol Raffy.

Maaksyon na paghuli

Tila palos si Asuncion dahil ilang beses na itong kinakahon ng awtoridad subalit hindi ito mahuli. Sa tulong ni idol Raffy, nalansi nila ang suspek at pumayag na makipagkita sa kanya. Doon na nila binuo ang plano kung paano ito masasakote. Matatandaan na inireklamo si Asuncion ng pang aabuso sa kapatid ng aktres na si Ivana Alawi.

Video Ng Maaksyon Na Paghuli Kay Willie Asuncion, Lumabas Na 2

Tila panahon na talaga na mahuli si Asuncion dahil nakipag ugnayan ang CIDG kay idol Raffy matapos maiere ang reklamo ni Mama Alawi sa suspek. Ang German nationals pala na si Helmut Axel Sima pala ay nagsampa din ng reklamong Estafa laban dito ngunit mapa hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nadadakip.

Galing ni idol Raffy

Kaya naman sinamantala ng CIDG at ipinain si idol Raffy upang tuluyan na itong makahon. Tila gusto pang umatras ni Asuncion sa usapang pagkikita nila idol Raffy kung kaya si idol na ang lumapit. Sa senyas niya lumapit na ang mga tauhan ng CIDG upang hulihin si Asuncion.

Video Ng Maaksyon Na Paghuli Kay Willie Asuncion, Lumabas Na 3

Hindi naging madali ang paghuli sa kanya dahil pumalag ito. Nasa limang lalaki ang nagtulong tulong na posasan siya at gumulong pa itong sa sahig. Sa huli, tuluyan ng nadakip si Asuncion. Dumating sa eksena si Sima at kinumpirma niya na ito ang ang lalaking nagtakbo sa kanyang pera na nagkakahalaga ng P30 million.

Kalaboso na si Asuncion

Dinala ito sa opisina ng CIDG upang imbestigahan. Itinanggi naman ni Asuncion ang bintang na Estafa ngunit hindi na siya nagbigay pa ng ibang detalye. Nang matanong kung ano ang masasabi niya sa reklamo ng kapatid ni Ivana ay naging matipid pa rin ito sa detalye.

Video Ng Maaksyon Na Paghuli Kay Willie Asuncion, Lumabas Na 4

Sa ngayon, nakakulong na si Asuncion at nakatakdang dalhin sa Kalibo, Aklan upang harapin doon ang kaso niyang Estafa. Laking pasasalamat naman ni Sima sa pagkakahuli ng Asuncion matapos ang mahigit limang taon nitong pagtatago.

Source: Raffy Tulfo In Action

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: