Press "Enter" to skip to content

Video Ng Pananakit Ni Misis Kay Mister Habang Hawak Ang Isang Sanggol, Viral Sa Social Media!

Isang misis ang viral ngayon sa social media sa pananakit nito sa kanyang mister.

Pananakit

Viral ang post ng netizen na si Anne Maravilla na kung saan ay makikita sa video kung paano saktan ng stepmother nito ang kanyang ama habang hawak ang isang sanggol.

Video Ng Pananakit Ni Misis Kay Mister Habang Hawak Ang Isang Sanggol, Viral Sa Social Media! 2

Sa video ay makikita ang pananapok, paninipa, at pananakit pa ng inirereklamong si Juwena Dela Paz. Ayon kay Kristine Anne Maravilla sa interview nito sa programa ni Raffy Tulfo, nasasaktan ito sa paulit ulit na pananakit sa kanyang tatay ng ka-live in partner nito.

Ayaw makulong

Kung gaano katapang at kabangis ang pinakitang pag-uugali ni Juwena sa video ay kabaligtaran naman ito nang makausap ito ni sir Raffy. Aniya ay nais nito na manghingi ng tawad sa asawang si Anthony Maravilla at nanawagan pa na sana ay umuwi na ito. Lumayas ang mister nito matapos ang paulit ulit na pananakit mula sa kinakasama. Pagmamakaawa pa nito, ayaw nito makulong dahil mahal nito ang kanyang sanggol.

Video Ng Pananakit Ni Misis Kay Mister Habang Hawak Ang Isang Sanggol, Viral Sa Social Media! 3

Nang tanungin naman kung bakit nito sinasaktan ang asawa, sinabi nito na nagdududa ito na may ibang babae ang kanyang asawa. Sinabi din nito na sinasaktan din umano sya ng asawa na syang pinabulaanan ni Kristine.

Siga si misis

Hirit ni Kristine, tila hindi post-partum depr3ssi0n ang pinagdadaanan ni Juwena dahil wala pa man itong anak noon ay nananakit na ito sa kanyang tatay. Pagpapatunay pa nito, ang kapatid din ni Juwena ay nananakit din ng asawa.

Video Ng Pananakit Ni Misis Kay Mister Habang Hawak Ang Isang Sanggol, Viral Sa Social Media! 4

Sa panayam naman ng programa sa Brgy Captain ng Pitogo, Quezon province, may mga record na umano si Juwena sa barangay sa parehong reklamo ng pananakit.

Komento ng netizens

Bagaman, tinitignan na maaaring may PPD si misis, marami naman ang kumbinsido na dapat ay makulong at pagbayaran nito ang ginawang madalas na pananakit sa asawa. Ayon sa iba, dapat na maevaluate ang estado ng pagiisip ng ginang.

Source: Raffy Tulfo In Action

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: