Press "Enter" to skip to content

Video Ng Pasay Councilor Na Nagmura At Nagsisisigaw Sa Healthcare Workers, Viral!

Isang konsehal sa Pasay City ang nahaharap sa kontrobersiya matapos magviral ang video nito na diumano pambubulyaw at pagmumura sa mga healthcare workers.

Verbal abuse

Nagviral sa social media noong May 23 ang video ni Pasay City Councilor Moti Arceo. Nangyari ang insidente noong May 19 lamang. Sa post ng netizen na si Alexia Guevara, inilahad nito ang istorya sa likod ng viral video. Aniya ay naabutan umano ni Councilor Arceo na nagsasagawa ng Covid-19 rapid testing ang mga medtech, healthcare workers ng Pasay sa Sangguniang Panglungsod Session Hall para sa mga city hall employees.

Video Ng Pasay Councilor Na Nagmura At Nagsisisigaw Sa Healthcare Workers, Viral! 2

Ikinagalit umano ito ng konsehal na syang mapapanood sa video. Maririnig ang pagbibitaw nito ng masasamang salita. Hinaing ni Arceo, araw araw umano dinidisinfect ang session hall. Kinukwestyon din nito ang pagsusuot ng PPE ng mga frontliners.

Depensa

Depensa ni Guevara, ang pagsasagawa ng testing sa. Session hall ay may pahintulot ng Human Resource Dept. ng lungsod. Kalakip sa post ang memo na syang sinunod lamang ng mga healthcare workers.

Beast mode

Hirit ni Arceo, kung hindi delikado ang isinasagawang testing, bakit kailangan mag-PPE ng mga workers. Iginigiit din nito na bakit sa session hall ginagawa ang testing at hindi sa mismong opisina ng Pasay Health.

Video Ng Pasay Councilor Na Nagmura At Nagsisisigaw Sa Healthcare Workers, Viral! 3

Sa ilang minuto ng video ay maririnig ang mga mapang-abusong salita nito. Sa kalaunan ay makikita ang health team na hinuhubad ang kanilang PPE suit marahil dala na din ng takot at galit ng konsehal.

Hindi makapagreklamo

Matapos ang insidente, minabuti ng mga health worker na magsampa ng pormal na reklamo laban sa pambubuska ng konsehal. Gayunpaman, tinalikuran lamang umano ng Pasay Health Department ang hinaing ng mga naagrabyadong frontliners.

“.. when the medtechs decided to file a legal complaint, tinalikuran lang sila ng Health Department ng Pasay (Cesar Encinares, head) and said, “wag niyo na lang dibdibin.” And now, all the people involved are scared to push through with a complaint kasi yung trabaho nila yung pwedeng mawala sa kanila.”

Bastos na ugali

Nagpabatid ng inis ang maraming netizens ukol sa video. Anila ay hindi dapat maging ehemplo ang pagka-bastos umano ng konsehal. Dapat anila ay masampahan ito ng pormal na reklamo dahil sa pag-discriminate nito sa mga frontliners, ayon sa Bayanihan Heal As One Act.

Posted by Alexia Guevara on Saturday, May 23, 2020
Video Source: Alexa Guevara

Source: CNN News Philippines

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: