Press "Enter" to skip to content

‘VIP Treatment’ Ipinagkaloob Ng Gobyerno Para Sa Mga Pilipinong Balik-Bayan

Binigyan ng gobyerno ng espsyal na pagtanggap ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) upang matiyak ang kanilang proteksyon laban sa sakit na COVID-19, ito ang pahayag ng Malacañang nito lamang Sabado.

‘Di garbage treatment, VIP treatment yan’

Ang pahayag ay inilabas ng Palasyo dahil sa argumnetong sinabi ng isang labor group na Migrante International, na sinasabing pinababayaan raw ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga OFW na nagbalik-bansa at hinayaan lamang sa airport.

Sa isang programa ng PTV-4, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, ang gobyerno ay sinisikap na matugunan ang mga pangangailangan ng mga OFW na nagbabalik dito sa bansa.

'VIP Treatment' Ipinagkaloob Ng Gobyerno Para Sa Mga Pilipinong Balik-Bayan 2
Source: Manila Bulletin

Nabanggit din ni Roque na ang gobyerno ang siya mismong sumagot sa ginastos ng transportasyon ng mga OFW at pati na rin ang isinasagawang COVID-19 testing.

Aniya,

“Hindi po iyan garbage-like treatment. VIP treatment po iyan (That’s not garbage treatment. That is VIP treatment),”

Magkaibang pahayag, Gov. at Labor group

Sa isang pahayag noong Biyernes, sinabi ng Migrante International na ang mga OFW ay tila nararanasan ang mabagal na aksyon ng gobyerno.

Pahayag din ng labor group, hindi pa naibibigay ng gobyerno ang nararapat na tulong na dapat makuha ng mga OFW.

'VIP Treatment' Ipinagkaloob Ng Gobyerno Para Sa Mga Pilipinong Balik-Bayan 3
Source: ABS-CBN News

Ito ay taliwas sa pahayag ni Roque, kung saan sinabi niya na nasa 22,436 na ng mga OFW mula sa iba’t-ibang quarantine facility sa Metro Manila ay naihatid na sa kani-kanilang tirahan matapos mag-negatibo sa COVID-19.

Sinabi ni Roque na ang pagbalik sa kani-kanilang mga tahanan ay naging matagumpay dahil sa panawagan ni Duterte para sa mga lokal na yunit ng gobyerno (LGU) na tanggapin ang mga OFW.

'VIP Treatment' Ipinagkaloob Ng Gobyerno Para Sa Mga Pilipinong Balik-Bayan 4
Source: Rappler

Pahayag niya,

“Ang mabuting balita po, sa ngayon po, araw ng Sabado, meron pang isang araw, out of 24,000, 22,426 na po ang napauwi (The good news is as of Saturday, around 22,426 out of the 24,000 OFWs have already returned to their homes),”

Walang dahilan para ‘di tanggapin ang mga OFW

Nitong Huwebes, binigyang diin ni Duterte sa kanyang pahayag na walang dahilan para sa mga LGU na hindi tanggapin ang mga OFW lalo na’t kung nag-negatibo ang mga ito sa COVID-19 test.

'VIP Treatment' Ipinagkaloob Ng Gobyerno Para Sa Mga Pilipinong Balik-Bayan 5
Source: PNA

Ang pamahalaan ay sinisikap na mapabilis ang pagpoproseso at pagpapalabas ng mga resulta ng mga isinasagawang Covid-19 test para sa mga OFW para maakomodeyt kaagad ang mga OFW na inaasahang darating sa Mayo at Hunyo dito sa bansa.

300,000 na mga OFW ang nakatakdang magbabalik-bansa ngayong taon.

Source: PNA

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: