Press "Enter" to skip to content

Viral! Empleyado Ng LTO, Na-Hulicam Na Nag Papa Rebond Sa Oras Ng Trabaho

Manila, Philippines – Nag viral ngayon ang isang video matapos makita na ang isang babaeng empleyado ng taga LTO ay marahas at kampanteng nagpapasalon ng kaniyang buhok sa loob mismo ng opisina ng LTO.

Huli cam!

Sa isang post ng netizen na si Arian Bodiongan, kaniyang ibinahagi ang video ng isang babaeng taga Land Transportation Office (LTO) na relax na nagpapa Ganda ng kaniyang buhok.

Viral! Empleyado Ng LTO, Na-Hulicam Na Nag Papa Rebond Sa Oras Ng Trabaho 2

Kapansin pansin din sa naturang video na naka-ulo ang babaeng taga LTO habang pina-plantsa naman ng isa pang babae ang kaniyang buhok.

Trending online

Dahil sa nangyaring insidente naging usap-usapan kaagad ang naturang video online.

Viral! Empleyado Ng LTO, Na-Hulicam Na Nag Papa Rebond Sa Oras Ng Trabaho 3

Bagama’t hindi idinetalye ng uploader kung saang branch ito ng LTO ngyari, inulan parin ng batikos ang kaniyang post at nag trending ito dahil sa lantarang ka walang hiya ang ginawa ng empleyado ng LTO

Pag imbestiga

Samantala, pinai-imbestigahan na ng Civil Service Commissioner na si Aileen Lizada ang nangyaring pagkonsinte ng LTO sa kabulastugang ginagawa ng kanilang mga empleyado lalong lalo na ito’y nasa oras pa ng trabaho at nasa opisina.

Ayon sa kaniya,

“Government employee ng Land Transportation Office na nakitang lantarang napapa “rebond” sa oras ng trabaho ngayong may Covid-19 pandemic, pinai-imbestigahan ng Civil Service Commission.”

Viral! Empleyado Ng LTO, Na-Hulicam Na Nag Papa Rebond Sa Oras Ng Trabaho 4

Dagdag pa sa post,

“Taong bayan ang nagpapasweldo sa atin tapos kaya mo pang ipaharap doon transacting public na ikaw ay nagpaparebond? At pinapasok nyo pa ang hindi empleyado ng gobyerno, I hope ‘yung nagrerebond ay hindi rin empleyado ng gobyerno, at ang tanong ko nasaan ang head of agency nito?”.

Sa ngayon ay hindi pa nag binigay ng pahayag ang LTO sa naturang insidente. Samantala, umaasa naman ang netizen na mabibigyan linaw ang naturang video at ma-parusahan ang sinumang sangkot sa pangyayari.

Source: Arian Bodiongan

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: