Press "Enter" to skip to content

Viral! Isang Aso Sa Maynila, Frontliner Na Rin

Naging instant superstar si Chi-chi, ang Aspin (Asong pinoy) na kinilalang kauna-unahang hayop na frontliner sa Maynila laban sa COVID-19.

Viral

Naging viral kamakailan ang asong si Chi-chi na kasama ang mga tanod ng Barangay 379, ay nagroronda sa kanilang nasasakupan. Sinisiguro nila na ang mga residente ay sumusunod sa mga regulasyon ng enhanced community quarantine.

Si Chi-chi ay ang kauna-unahang animal frontliner sa Maynila dahil sa kanyang walang pagod na pag-ikot sa nasasakupan ng barangay at hilig sa pagsakay sa Barangay Patrol.

ID-Frontliner
Photo credits: Manila PIO

Binigyan din siya ng sariling ID na may nakasulat na “Barangay Dog Frontliner” para maiwasang mahuli ng City dog pound.

Unang pagkikita

Nagkuwento ang kanyang may-ari na si Jake Ryan Ramos kung paano napunta sa kanila si Chi-chi at bakit napasama na ito sa pagroronda ng Barangay Patrol.

Ayon kay Jake, sumama raw si Chi-chi sa isang barangay tanod nila na isa ring tricycle driver at hindi na ito bumaba ng sasakyan.

Aniya, “Hanggang sa sumama na po siya sa amin at nag-stay sa bahay. Pinakain lang po namin si Chi-chi hanggang sa umamo na po tapos sumasama na po sa duty ng barangay kapag nagpa-patrol.”

Patrol-Frontliner
Photo credits: ABS-CBN

Pagpapatuloy ni Jake, “Hindi ko po akalain na magiging superhero dog namin si Chi-chi pero thankful po kami at super happy na dumating siya sa amin.”

Unique qualities

Ano ang mga qualities ni Chi-chi na wala sa ibang mga ordinaryong pet dogs? “Siguro yung ability niya sa pagkilala ng tao, at yung hilig niya mag-roving around our barangay saka galit siya sa mga tingin niyang scavengers or yung alam niyang may masamang balak.”

“Galit po siya minsan sa mga nangunguha ng kalakal kasi baka minsan po salisi gang po pala, baka may manakawan po sa amin,” pahayag pa ni Jake.

Sa tanong kung bakit Chi-chi ang ibinigay nilang pangalan sa wonder dog, “Galing po siya sa pagsitsit or kapag tinatawag mo yung pet dog mo. Yung parang parang… tsk tsk. Hanggang sa masanay na siya na tawagin na Chi-chi ng ex-tanod namin.”

Chi-chi - Frontliner
Photo credits: Manila PIO

Narito ang video ng nakamamanghang si Chi-chi:

Photo credits: Brgy. 379, Manila

Source: INQUIRER.net

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: