Press "Enter" to skip to content

VIRAL: Kasinungalingan ni DJ Loonyo Isiniwalat Ng Nanay Ng Anak Niya

Muli, ay viral nanaman ang sikat na TikTok na “influencer” na si DJ Loonyo. Kakatapos lamang kasing ipalabas ang kwento ng buhay niya sa GMA sa programa nitong Magpakailanman.

Kwento ng buhay

Ang pagiging viral niya ay hindi dahil sa maraming nagcoconngratulate sakanya dahil sa palabas. Kindi dahil sa post ng kanyang ex girlfriend na nanay ng anak niya.

VIRAL: Kasinungalingan ni DJ Loonyo Isiniwalat Ng Nanay Ng Anak Niya 2

Ayon dito, hindi na daw niya matiis ang pananahimik dahil ang dami na daw nambabash sakanya. Maraming tao ang nainis sakanya dahil ang naipalabas sa GMA ay isang ulirang ama si Loonyo at si ex ang nagtataboy sakanya at ayaw ipakilala ang anak nila.

Tunay na kwento

Ayon sa post ni Aika, taliwas daw sa sinabi ni Loonyo na tinaboy taboy siya ni Aika nang puntahan niya ang anak niya ang totoong nangyari. Ayon sa viral post, ni hindi man lang daw pumunta si Loonyo.

Ang nangyari daw ay gusto ni Loonyo na magpunta ang anak nila sa isang mall show nila. Natunugan na ni Aika na gusto lang daw magpa-fame ni Loonyo kaya naman hindi siya pumayag. Pero hindi raw nagpunta si Loonyo at walang pananaboy na naganap.

Una at huli

Ayon parin sa viral post, namatay ang anak nila noong 2017. Tinawagan ni Aika si Loonyo at sinabi naman nito na pupunta siya. Pumunta naman ito pero pumorma pa daw talaga.

Ito na raw ang una at huling kita ni Loonyo sa kanyang anak. Hinayaan na ni Aiza na si Loonyo ang magbihis at magayos dito. Hinayaan din niya na magsalita sa burol ng kanilang anak si Loonyo. Ngunit ito ay agad niyang pinagsisihan matapos magpa-fame pa daw ito at nagyabang.

Gastos at papeles

Dagdag pa ni Aika, noong libing tinanggap niya ang tulong na inaabot ni Loonyo, may mga ginastos si Loonyo ngunit hindi lahat. Taliwas ito sa niyayabang ng influencer sa kanila sa CDO.

Isa pang problema ni Aika ay ang mga papeles na nakapangalan kay Loonyo na ayaw nitong ilipat sakanya. Dagdag ito sa hindi man lang pagdalaw nito sa kanyang anak matapos ang libing kahit tatlong taon na itong wala.

Basahin ang post dito: Aika Flores

to RHEMUEL LUNIO aka DJ LOONYO,MAN! mukang di ko na kayang palagpasin tong araw na to gaya nung mga pinalagpas kong…

Posted by Aika Flores on Saturday, July 18, 2020

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: