Press "Enter" to skip to content

Viral! Larong Jumpy Jumpy Sa Social Media, Scam Nga Ba?

Trending ngayon sa social media ang isang bagong sibol na pakulo ng isang laro sa Facebook na Jumpy Jumpy Game. Marami ang nagagalit na netizen dahil anila ay gawa ito ng mga scammer.

Ano nga ba ito

Ang istilo ng pang hatak ng mga gamer, ipopost nila ito sa social media at kung sino man makakita nito, profile picture nila ang lilitaw. Ayon sa application na ito, walang target na kung sino man ang laro at sadyang larawan ng kung sino man ang makakakita ang lalabas upang hikayatin ang mga ito na maglaro.

Viral! Larong Jumpy Jumpy Sa Social Media, Scam Nga Ba? 2

Ang mga hindi pa nakakaalam ng laro ay nagtataka kung bakit lagi nakikita ang kanilang mga larawan sa kung sino sino gamer. Hindi ito nagustuhan ng karamihan dahil isa umano itong paglabag sa kanilang privacy.

Scam nga ba

Sabi naman ng ilan, isa itong uri ng scam at kumukuha sila ng bibiktimahin sa pamamagitan ng pagsali sa laro. Kung sasali ka sa laro, mag cocomment o mag rereact sa post, maaari raw umanong makuha ang mga sensitibong detalye ng iyong pagkakakilanlan.

Madali na umanong makuha ng scammer ang email address, cellphone number at iba pang sensitibong detalye upang magamit ka sa pang sscam.

Bilang pandagdag atraksyon, sinasamahan ito ng mga caption na kung hindi ka maiinis ay matatawa ka. Isa na dito ang mga salitang, ‘crush ko yung nasa picture’, ‘panget ang nasa picture’, at ‘jowa ko ang nasa picture’.

Nakaka offend na caption


Ngunit ang ibang gamer, pinapalitan ng ibang masasamang caption. Nasasamahan na ito ng tila pagbabanta sa buhay ng makakakita at nagkakababa na ng moralidad. Dahil dito, marami ng netizen ang nag aaway away ukol dito.

Viral! Larong Jumpy Jumpy Sa Social Media, Scam Nga Ba? 3

Sabi ng iba, tila nasasapian na ng masamang elemento ang mga naglalaro ng game kung kaya ganito na lamang mag caption ang mga ito. Marami ang nagagalit dahil umano nadadamay sila sa isang laro na hindi naman nila sinasalihan at walang interest na salihan pa.

Sa kabila ng patuloy na pag aaway ng mga netizen, patuloy din ang pagsikat ng nasabing laro. Dahil kasi sa paglitaw nito sa mga news feed ng mga netizen at sa patuloy na kontrobersya sa kung scam nga ba ito, marami ang nagiging kuryoso at sinusubukan din ito.

Source: Friends Who Like Raffy Tulfo In Action

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: