Press "Enter" to skip to content

Viral Lasing Na Nagbabayad Ng Perang Papel, Mayabang Parin Sa Public Apology?

Ilang araw palang ang nakakalipa nang magviral ang isang lasing na pasahero ng isang taxi matapos itong magwala at tumangging magbayad. Maraming tao ang nag-tag at nagsend sa Raffy Tulfo in Action ng video, kaya naman inaksyunan ito agad ni Idol.

Papel na pera

Sa video, makikitang nagkainitan na ang driver ng taxi na kinilalang si Eduardo Tiongson, at ang pasahero niya na si EJ Garalde. Unang bubungad sa video ang paniningil ng driver kay EJ na halatang galit na at hindi matino kausap.

Viral Lasing Na Nagbabayad Ng Perang Papel, Mayabang Parin Sa Public Apology? 1

Paulit ulit sinasabi ni EJ na ayun na nga daw at magbabayad na subalit nagaabot siya ng cellphone at wallet na puro papel naman ang laman. Hindi naman tinatanggap ni Eduardo ang cellphone at wallet dahil ayon sakanya magbayad lamang ng 180 na bill si EJ at ayos na.

Sumbong at Aksyon

Pumunta sa studio si Eduardo upang makausap si Idol. Tinawagan nila si EJ at ito naman ay parang maamong tupa na naghingi ng tawad at mabait na nakipagusap kay Eduardo habang nasa ere.

Matapos ito, dumulog naman si Idol kay Atty. Paul Castillo upang tanungin kung ano ang nararapat na ikaso kay EJ. Ayon sakanya, kung pinagpipilitan daw ni EJ na pedeng ipambayad ang papel, maaari daw itong kasuhan ng Estafa, ngunit kung talagang ayaw lang magbayad, ay civil case naman daw ang pedeng ikaso. Samantalang ang mga paninigaw at pagmumura naman ni EJ ay maaaring kasuhan ng unjust vexation.

Public apology

Nang tanungin naman si Eduardo kung ano ang gusto niyang kapalit para hindi niya ituloy ang kaso, sinabi niyang public apology lang naman ang gusto niya.

Viral Lasing Na Nagbabayad Ng Perang Papel, Mayabang Parin Sa Public Apology? 2

Ito naman ay binigay ni EJ. Sinabi rin nito na hindi na niya ipapaliwanag ang nangyari dahil nakapagpaliwanag na siya sa mga tao na talagang nakakakilala sakanya. Basta nagbigay nalang ito ng public apology.

Ang ibang netizen naman ay tila nayabangan parin sakanya.

Panoorin ang video dito:

Source: YouTube

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: