Press "Enter" to skip to content

Viral: Motorista, Ikinagulat Ang Daanang Itinuro Sa Kanya Ng Google Maps

Viral ngayon ang isang video ng isang motorista matapos masurpresa sa direksiyong itinuro sa kanya ng Google Maps. Tila pinadaan siya nito sa isang daang makipot at animo’y delikadong tulay. Ang sinasabing viral route na ito na nakita sa kumalat na video ng motorista ay kinagiliwan ng maraming netizens.

Ang viral video

Kumalat ang video ng isang motorista sa social media kung saan makikita ang rutang ibinigay sa kaniya ng isang online navigation map o Google maps.

Nakasakay si Jercee Corpuz Bustamante, ang nagbahagi ng video, sa motorsiklo habang binabaybay ang kalsada gamit ang nasabing app.

Viral: Motorista, Ikinagulat Ang Daanang Itinuro Sa Kanya Ng Google Maps 2
Photo Credit: Facebook- Jercee Corpuz Bustamante

Sa video, tila maririnig pa sa ang voice-over ng Google Maps habang patuloy nitong sinasabi ang direksiyon kung saan siya dapat lumiko.

Ang ‘viral route’

Hindi inaasahan ng motorista nang itinungo siya sa isang kakaibang lusutan na halata naman na mahirap baybayin lalo sa mga hindi pa ganoong sanay na mag-motorsiklo.

Bukod sa itinuro siya sa isang makipot na eskinita, idinaan din siya sa isang maliit na tulay kung saan hindi puwede ang may kasalubong dahil tiyak na napakadelikado nito.

Sa video tila maririnig pa rin ang boses ng navigation app na patuloy sa pagbibigay ng direksiyon.

Narating din sa wakas

Matapos nga siya maidaan sa hindi inaasahang ruta, sa huli ay natumbok na rin niya ang isang maayos at ligtas na kalsada.

Bagamat matapos ang mahigit isang minuto niyang pakikipagsapalaran sa kakaibang ruta, kinaaliwan naman ng mga nakapanood ang nasabing video.

Sinasabi ng iba na maaaring dinadaanan talaga ang kalsada na iyon at pwedeng nabago lamang ito at hindi updated ang Google Maps. Sabi naman ng ilan, di na raw ito bago sapagkat nangyari narin daw ito umano sa ibang mga motorista at ang iba pa nga raw ay tuluyan nang naliligaw.

Panoorin ang buong video ng kanyang kakaibang dinaanan:

google maps san mo na nman ako dinala 🤣🤣🤣 (nasa background pa sya panay turo pa dn ng daan) 🤣

Posted by Jercee Corpuz Bustamante on Friday, July 3, 2020

Source: Facebook- Jercee Corpuz Bustamante

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: