Press "Enter" to skip to content

Viral! OFW Sa Saudi, Ipinakita Ang Kaniyang Duguang Kamay Matapos Hiwain Ng Kaniyang Amo

Saudi Arabia – Nag viral ngayon ang kumalat na larawan ng isang OFW sa Saudi kung saan ipinapakita ang kaniyang duguan at namamagang kamay matapos umano hiwain ng kaniyang amo.

Viral na mga litrato

Ayon sa kaibigang si Jomz Buat na isa ding OFW sa Saudi at siyang orihinal na nag post ng nasabing litrato, kaniyang ibinahagi ang masalimoot na karanasan ng kaniyang kaibigan.

Viral! OFW Sa Saudi, Ipinakita Ang Kaniyang Duguang Kamay Matapos Hiwain Ng Kaniyang Amo 2

Ani niya,

“Sinaktan po siya kahapon ng amo niya at sinipa. Tapos kanina habang nag hihiwa siya ng sibuyas at kamatis, pumasok daw ang amo niya. Yan na po ang nangyari.”

Viral! OFW Sa Saudi, Ipinakita Ang Kaniyang Duguang Kamay Matapos Hiwain Ng Kaniyang Amo 3

Sa payak ngunit limitadong detalye ni Buat, kaniyang sinabi na ang pangalan ng kaniyang kaibigang OFW ay si Delsa Masangkay na taga Banga, South Cotabato. Kaniya din pinangalanan ang agent ni Masangkay sa Gensan na sina Esmael Sinsuat at Mam Fatima.

Ang pangyayari

Batay sa kaniyang post, sinabi nito na tinawagan nila ng kaniyang isa pang kasamahan si Masangkay ngunit ang tanging nakita na lamang nila ay ang duguan at namamagang kamay nito.

Viral! OFW Sa Saudi, Ipinakita Ang Kaniyang Duguang Kamay Matapos Hiwain Ng Kaniyang Amo 4

Dagdag pa ni Buan, hindi na nila makausap ng maayos ang kanilang kaibigan dahil wala itong ginawa kundi umiyak ng umiyak. Marahila aniya ay dahil sa sobrang sakit at hapdi ng kaniyang mga sugat.

Aniya,

“Panay iyak at mahapdi daw ang sugat niya. Tapos nakikita namin na panay tulo tung dugo, tatlo po yung sugat niya sa kamay at yung isa lumabas na yung kaniyang laman.”

Mapanakit na amo

Sa isang text message, ibinahagi ni Buat na bago pa lamang ang kanilang kaibigan sa kaniyang amo.

Ani nito,

“Five months pa lang po siya doon. May nakakita po sa kaniya na ibinibilad din po siya sa labas, sa init ng araw.”

Salaysay pa ni Buat na wala na daw umanong simcard ang kaniyang kaibigan marahil umano kinuha ng kaniyang amo.

Viral! OFW Sa Saudi, Ipinakita Ang Kaniyang Duguang Kamay Matapos Hiwain Ng Kaniyang Amo 5

Bagamat hindi detalyado kung anong ospital ngunit kaniyang sinabi na si Masangkay ay kasalukuyang nasa ospital na ngayon at nagpapa-galing.

Viral! OFW Sa Saudi, Ipinakita Ang Kaniyang Duguang Kamay Matapos Hiwain Ng Kaniyang Amo 6

Panawagan naman ng kaniyang ka-anak at kaibigan na sana’y matulungan sila ng embahada ng Pilipinas at ni Idol Raffy para makauwi na ng bansa si Masangkay.

Source: Buat Jomz

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: