Wyoming, USA – Isang bata umano ang naging bayani matapos nag-viral ang kanilang kwento sa pagliligtas sa kanyang nakababatang kapatid na babae mula sa atake ng isang agresibong aso. Nagtamo ang ulirang bata ng 90 na tahi para sa kaniyang mga natamong sugat.
Huwarang kapatid
Ayon sa tita ng mga batang si Nikki Walker noong July 9 nang binisita ng magkapatid na Bridger Walker at ang kapatid nto ang bahay ng isang kaibigan. Dinala umano sila ng kanilang kaibigan sa likuran ng kanilang bahay kung saan nais niyang ipakita ang kanilang mga alagang aso.

Nang ituro ng kanilang kaibigan kung alin sa mga aso nila ang mabait at matapang ay bigla na lamang sumugod ang asong matapang sa direksiyon ng kapatid ni Bridger. Hinarap umano ito ni Bridger ng walang takot at ihinarang ang kanyang katawan upang protektahan ang nakababatang kapatid na babae.
Aksidente
Kinagat umano ng aso ang pisngi ni Bridger habang sumisigaw sa kanyang kapatid na tumakbo at nang bitawan siya ng aso ay kaagad din siyang nakatakbo patungo sa kanyang kapatid ng takot na takot. Buong loob na tiniis ni Bridger ang sakit hanggang sa sila’y makarating sa ligtas na lugar kasama ang kanyang kapatid.

Kaagarang binigyan ng paunang lunas si Bridger habang hinuhuli at ikinulong muli ang aso. Agad ding naitakbo si Bridger sa pinakamalapit ospital at binigyang lunas sa kanyang tinamong sugat kung saan uambot sa halos 90 na tahi ang kanyang natamo.
Pasasalamat
Labis ang pasasalamat ng pamilya Walker sa mga netizens na naantig sa kwento ni Bridger. Ito ay nang ibahagi ng kanilang tita Nikki Walker ang kwento sa isang social media site na ngayon ay nagva-viral.

Marami ang naantig at namangha sa katapangang ipinamalas ni Bridger. Maraming tao ang nais magpaabot ng tulong sa pamilya Walker ngunit ito ay kanilang tinanggihan at humingi ng pabor na hayaan nalang din daw ang may-ari ng aso.
Avengers
Pinaunlakan ng iba’t ibang Hollywood Actors ng suporta at pagbubunyi ang ipinamalas at ipanikita ni Bridger. Nagbigay ng sariling mensahe sila Hugh Jackman, Zachary Levi, Tom Holland, ang magkapatid na Russo brothers, Robbie Amell, Chris Hemsworth, Anne Hathaway at si Chris Evans na nagpadala ng Captain America shield para kay Bridger bilang pagpupugay sa kanyang ipinakitang katapangan.

Dagdag din ni Bridger na ikinamamangha ng marami ay mas nanaisin niyang siya ang mamatay kesa sa kanyang kapatid na babae. Ang sinabing ito ni Bridger ang mas lalong nagpaantig sa puso ng mga “Avengers” na nakabasa sa kwento ni Bridger.
Tunghayan ang buong kwento sa Bored Panda
Panoorin ang mensahe ni Chris Evans kay Bridger Walker:
Be First to Comment