Press "Enter" to skip to content

Viral Pasay Councilor, Nag-Sorry Sa Insidenteng Pambubulyaw Sa Mga Healthcare Workers

Sa mga binabatong akusasyon ng verbal abuse sa mga healthcare workers, dumepensa si Pasay City Councilor Arnel “Moti” Arceo. Aniya ay hindi ito galit sa mga healthcare workers kundi sa city health office.

Depensa

Sa isang interview ng Dobol B kay Arceo, inamin nito na nagkamali siya. Ngunit, ang galit nya noong nangyari ang insidente ay patungkol sa Pasay City Health Office. Aniya ay hindi sya nainform ukol sa rapid testing, pati na din ang iba pa nyang kapwa konsehal. Pahayag nito,

Viral Pasay Councilor, Nag-Sorry Sa Insidenteng Pambubulyaw Sa Mga Healthcare Workers 2

“Hindi dapat sa loob ng city hall ginawa ang testing center. Bulwagan po kasi ‘yan eh, may mga empleyado… puntahan po ng tao ‘yan. Naniniwala ako na nagkaroon ng kakulangan sa pagi-ingat,”

Depensa nito sa akusasyon sakanya na pagsigaw at pagbitiw ng hindi magandang salita sa mga frontliners,

“Hindi ko po sinisisi ‘yung ating mga med tech… ang aking frustration nga talaga ay sa aming city health office, headed by Dr. (Cesar) Encinares, dahil sila po dapat ‘yung pangunahing ahensya sa local government na dapat nangangalaga at nagbibigay ng tamang payo sa ganitong mga bagay,”

Hindi nainform

Hindi umano ito nasabihan sa rapid testing na magaganap kaya naman nang makita umano nito na ginaganap sa session hall ng kanilang lungsod ay natakot ito,

“Hindi po kami nasabihan kaya nga po ako nabigla eh, natakot sa nakita ko. Papaano na kung mayroong nagpositive sa isinagawa nilang test sa city hall,”

Walang pinagsalitaan ng masama

Dahil sa kaliwat kanang batikos, aniya ay handa itong harapin anumang reklamo ang isasampa sa kanya. Lalo na ang paninigaw nito sa mga healthcare workers ay isang kamalian. Bagaman nagpakita ng lubos na galit sa viral video, sinabi ni Arceo na wala itong pinagsalitaan ng masama na frontliner.

“Nagkamali po ako Dr. (Ronaldo) Puno at sa inyong mga kasama, alam ko inaamin ko at ako’y handang harapin ang consequence sa pagkakamaling ‘yan. Nakapagmura po ako pero wala po akong minurang tao, nakasigaw ako and expression po siguro ng galit at frustration sa nakita ko,”

Pahayag ng PAMET

Kahapon lamang, naglabas ng saloobin ang Philippine Association of Medical Technologists, Inc. (PAMET) ukol sa naging aksyon ni Arceo sa insidente. Anila ay isa itong “a form of maltreatment, harassment, and discrimination of health care professionals amid the coronavirus pandemic.”

Mensahe ni Dr. Ronaldo Puno, presidente ng PAMET,

“‘Wag nating pabayaang tuluyang sumuko ang ating mga health care workers hindi dahil sa COVID-19 virus, kung hindi dahil sa posibleng pagbaba ng moral dahil sa mga ganitong mga pangyayari,”

Paumanhin

Sa huli ay nagpabatid ng paumanhin si Arceo sa mga medtech na naapektuhan nang mangyari ang insidente.

“Ulitin ko po ang paghingi ko ng paumanhin sa mga medical technologists, sa PAMET, Dr. Puno, pakihatid po ang aking paumanhin, sinsero po ito. Wala po akong galit sa mga med tech, galit po sa sitwasyon na nakita ko. ‘Yun po ang totoo,”

Source: GMA News Online

Basahin ang unag kwento dito:

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: