Viral Pastor Na Tumapak-Tapak Sa Sto. Niño, Nag-Public Apology Na!

Matatandaang nag-viral ang video ng isang pastor na diumano ay tinapak-tapakan ang Santo Niño.

Ang viral pastor ay kinilalang si Pastor Christopher Gayoba na syang pastor sa River of Life Ministries mula sa Brgy Tabao Bagumbayan Valladolid, Negros Occidental.

Ang born again pastor ay inulan ng maraming batikos partikular na sa relihiyong Katoliko na syang sumasamba sa Sto. Niño.

Apology

Ngayon ay naglabas naman ng public apology ang si Pastor Christopher na kung saan ay nanghingi ito ng kapatawaran sa mga taong nasaktan at naapektuhan ng kanyang nagawa.

Aniya ay nanghihingi ito ng tawad sa mga Katoliko at sa mga namununo nito. Dagdag pa rito ay hangad umano nito na tanggapin ang kapatawaran. Heto ang sinabi ni Pastor Chris sa kanyang apology video,

“Ako gali si Ptr. Christopher Gayoba, nagapanawagan sa bilog nga Katoliko kg Aglipay, sa tanan nga mga pare kg leaders, nagapangayu gd ko sng kapatawaran sa pagtapak ko sng Rebolto nga ginapatihan ninyo.

I hope nga na appreciate ninyo tanan kg salamat gd mga utod sa tanan nga kapatawaran ninyo.

God bless you all.”

Respeto

Sigaw ng maraming myembro ng Katoliko ay respeto. Respeto sa pagkakaroon ng pagkakaiba ng kanilang paniniwala sa paniniwala ni Pastor Chris.

Marami ang nagtaas ng kilay at nagalit sa pastor dahil ang mga rebulto na ito ay mahalaga para sa mga Katoliko.

Kaya naman ganun nalang din ang galit ng karamihan nang mag-viral ang video na tinatapak-tapakan ito.

Relihiyon

Maliban sa pulitika, relihiyon ang isa sa mga sentro ng diskusyon na hindi natatapos sa ating bansa.

Ang ating bansa ay nagtataglay ng diversity na kung saan ay bagaman marami sa atin ang namumuhay nang may pagkakaiba sa lahi, relihiyon, opinyon pampulitikal, istilo ng pamumuhay, ay nakakagawa pa din tayo ng amiable environment.

Isa lamang ang sagot upang mapanatili ang magandang samahan sa isang lugar. At iyon ay respeto.

Source: Video

Leave a Reply

Your email address will not be published.