Press "Enter" to skip to content

Viral! Pera Mula Sa “SAP” Binawi Dahil Sa Utos Ng Mayor

St. Agustin Hagonoy Bulacan – Kung saan nakuhanan ng video ang isang kagawad na binabawi ang P3,500 na kalahati ng ayuda na natanggap sa kanilang barangay. Ang ayudang ito ay mula sa Social Amelioration Program (SAP) na ipinamahagi ng DSWD para sa mga mahihirap. 

Ang video

April 28, nang iupload sa social media ang video na ito na kuha ni Lhon Perez. Kung saan makikitang kausap ng kagawad ang isang lalaki at sinabihang ibalik ang kalahati ng pera ng ayuda mula sa SAP, ito di umano ay utos ng kanilang Mayor.

Pera Mula Sa "SAP"
Photo credits: Facebook

Dahil dito ay napilitan ang lalaki na pumirma sa listahan kung saan kasama ang kaniyang pangalan sa mga nakatanggap ng nasabing pera. Sinubukan naman ito kuhanan ni Lhon ng litrato at video na ayaw pang payagan ng nasabing kagawad. Ito ay upang sila ay may patunay ng pagpirma at pagsasauli ng nasabing lalaki.

Nagbabala

Nagbabala pa ang kagawad sa kanila na huwag ipopost ang nasabing video, at siguradong ang Mayor ay magagalit at maaring sila ay malagay sa alanganin. Sagot naman ni Lhon “Hindi po, at legal naman po yata iyan”. Si Mayor na lang daw umano ang kausapin nila tungkol dito aniya ng Kagawad.

Pera Mula Sa "SAP"
Photo credits: Facebook

May isang babae naman ang nagtanong kung ito daw ba ay talagang mapupunta kay Mayor o kay Kapitan. At bigla naman taas ng boses ng kagawad at sinabing “Hindi, anong pakialam ni Kapitan dito!” Pilit naman na sinasabi nito na ito ay mapupunta sa kanilang Mayor.

Naging kumento

Samantala mayroon namang iba’t-ibang naging kumento ang mga saksi tungkol sa pagbawi ng nasabing halaga ng ayuda. May nagsasabing kung dalawa sa isang pamilya ang nakatanggap, maari na daw umanong hatiin ang P6,500 na natanggap sa dalawang pamilya.

Pera Mula Sa "SAP"
Photo credits: Facebook

Ayon naman kay Lhon hindi na daw umano ito dapat pang bawiin ng sinuman kung ito ay ibinigay na mismo ng DSWD na siyang nag aapruba sa mga binibigyan nito.

Pahayag ni Mayor

Nakunan naman ng pahayag ang nasabing Mayor na siyang sinasabi ng kagawad na nag-utos, at sinabing wala siyang kinalaman tungkol dito. Kung ano man daw ang agenda ng kanilang kagawad ukol dito ay wala di umano siyang alam dito.

Narito ang nasabing video

Bakit nga ba pinababawi ang 3500 na ayuda ng gobyerno sa isang barangay sa Hagonoy Bulacan?

Posted by Trending Videos on Monday, April 27, 2020

Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: