Press "Enter" to skip to content

Viral: Pulis Nanabunot Ng Rider Sa Quarantine Checkpoint

Last updated on July 17, 2020

Isang pulis ang nanghila ng buhok ng isang rider sa Lanao Del Sur nito lamang lunes dahil sa paglabag umano nito sa protocol ng pulisya.

Trending video

Pumukaw sa maraming netizen ang viral video ng isang pulis matapos manita ay sinuntok at nanambunot pa ito ng buhok ng isang rider sa quarantine checkpoint sa Brgy. Katutungan sa Lungsod ng Wao, Lanao Del Sur . Nabidyuhan umano ng isang concerned netizen  na si James Patrick Garcia Lamerez ang nasabing pananakit ng pulis sa rider.

Viral: Pulis Nanabunot Ng Rider Sa Quarantine Checkpoint 2
Photo Credit : NM Daily Source

Sinita ito ng di pa nakikilang pulis dahil sa protocol ng pulisya na bawal ang angkas sa naturang lugar. Kita umano sa video ang panenermon ng pulis sa rider habang nagpapaliwanag , ngunit bigla nitong sinuntok sa tagiliran at maya maya pa ay sinabutan pa ito ng pulis.

Ayon sa pulisya

Nahaharap na sa restriction at disarmed ang sangkot na pulis ayon kay Police Captain Jemar Delos Santos tagapagsalita ng BARMM PNP , base sa Provincial Director ng Lanao Del Sur Provincial Police Office.

Viral: Pulis Nanabunot Ng Rider Sa Quarantine Checkpoint 3
Photo Credit: NM Daily Source

“The police in the video is under investigation since monday , immediately after the incident the Provincial Director of LDSPPO ordered a restriction and disarmed the person involved, administrative charges will be filed against the person”. Ayon sa text message galing kay Pol.Capt. Delos Santos na pinadala  sa NM Daily Source.

Kumento ng netizens

 Ayon sa netizen “nakalimutan na ata ng kXpal na pulis na ito ang motto ng PNP to serve and to protect, nag pulis para magsilbi at ipagtanggol ang mamamayan laban sa mga masamang tao”, kumento mula kay Teddy Carey Dela Cruz.

Viral: Pulis Nanabunot Ng Rider Sa Quarantine Checkpoint 4
Photo Credit: NM Daily Source

Maraming netizen ang nadismaya sa ginawa ng pulis  na dapat ay nag aalaga at nagpoprotekta sa mga mamamayan sa halip na karahasan .

Narito ang kabuuang video:

GISITA SA PULIS KAY BAWAL ANG ANGKAS? TRENDING kini karon sa social media ang post sa usa ka James Patrick Garcia…

Posted by Northern Mindanao DAILY Source on Sunday, July 12, 2020

Source: NM Daily Source

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: