Press "Enter" to skip to content

Viral! Tamad At Iresponsableng Empleyado Ng Rizal Huli Sa Video

Trending ngayon sa social media ang video ng kapabayaan ng isang frontliner sa palengke ng Rizal. Kitang kita sa video ang maling paggamit nito ng thermal scanner sa mga papasok ng pamilihang bayan

Tamad at iresponsable

Isang concern citizen ng bayan ng Rizal ang nag post ng video kung saan makikita ang isang frontliner na mali ang paraan ng paggamit ng thermal scanner. Sa video makikita ang kahabaan ng pila ng mga taong nais pumasok ng pamilihan. Ngunit ang nakatalagang kukuha ng kanilang temperatura ay tila hindi alam halaga ng kanyang tungkulin. Tila hindi rin nito sineseryoso ang kanyang ginagawa. 

Viral! Tamad At Iresponsableng Empleyado Ng Rizal Huli Sa Video 2

Huling huli kung paano niya basta na lamang tinatapat sa noo ng mga tao ang scanner. Hindi na nito tinitingnan kung ano ang lumabas na resulta. Taliwas ito sa protocol na dapat siguraduhin tama ang temperatura ng mga mamamayan. Walang maaring makalusot na taong mataas kaysa sa normal ang temperatura. 

Sibak sa trabaho

Tila nakalimutan na ng frontliner na thermal at hindi barcode scanner ang gamit niya. Mapapansin sa video na tila ay hindi seryoso ang babae sa kanyang trabaho. Animo kahera ito sa isang grocery at barcode ang kanyang ini-scan. Dahil dito, nalalagay sa panganib ang mga pumasok sa pamilihan. Hindi masisiguro na walang lagnat lahat ng pumasok.

Viral! Tamad At Iresponsableng Empleyado Ng Rizal Huli Sa Video 3

Dahil sa pagkalat ng video, nakarating sa pamahalaan ng Rizal ang nasabing insidente. Kinondena nito ang maling pamamaraan ng kanilang frontliner ukol sa paggamit ng thermal scanner. Sa pahayag ng pamunuan, dagli nilang inimbestigahan ang nasabing empleyado. Napag alaman na hindi regular sa munisipyo ang nasabing frontliner. Isa siya sa mga tinuturing na job order ng lokal na pamahalaan.

Matapos ang imbestigasyon, tinanggal na sa trabaho ang nasabing frontliner. Inihahanda na rin nila ang kasong maaaring isampa laban dito.

Paalala

Sa huli, pinaalalahanan ng pamunuan ng Rizal ang kanilang mga kawani. Dapat maging responsable umano ang mga ito sa sinumpaang tungkulin. Ang simpleng kapabayaan ay maaaring magdulot ng malawakang problema sa kanilang nasasakupan.

Hindi biro ang kinakaharap ng problema ng buong mundo sa ngayon. Ang pandemic na ito ang siyang kumikitil sa libo libong tao anuman ang estado nito sa buhay. Walang lugar ang katamaran at kapabayaan sa paglaban sa sakit na ito.

Panoorin rito ang aktwal na kuha sa video:

Source: Lalawigan ng Rizal (Official)

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: