Press "Enter" to skip to content

Viral Video, Pulis Namigay Ng Pagkain Sa Batang Lansangan

Last updated on April 20, 2020

Isang pulis ang nakuhanan ng video ni Allan Colinares Francisco ng abutan nito ng pagkain ang mga batang nakaupo sa gilid ng kalsada. Nakakataba ng puso na sa gitna ng krisis na hinaharap natin ngayon ay may isang tao pa pala na marunong magmalasakit sa kanyang kapwa.

Viral video

Viral ngayon ang video na kuha ni Allan Colinares Francisco ang isang taong huminto sa kahabaan ng V. Mapa, lungsod ng Maynila. Habang naka-stop light, nakitang huminto ang isang taong naka-motor. Nakilala ang lalaki na isang pulis dahil sa kanyang suot na damit.

Viral Video, Pulis Namigay Ng Pagkain Sa Batang Lansangan 2
Source: Facebook

Sa paghinto ng pulis ay may kinuha siya na pagkain sa kanyang motor. Iniabot niya ito sa mga batang nakaupo sa gilid ng kalsada. At pagkatapos umalis na agad ang pulis.

Malaking tulong

Pagkatapos iabot ng pulis ang pagkain ay pinagsaluhan na agad ito ng mga bata. Malaking tulong na ito sa kanila. Kahit sa konting pagkain man lang na ma-iabot sa kanila ay nakakapawi na rin ito ng kumakalam nila na sikmura.

Viral Video, Pulis Namigay Ng Pagkain Sa Batang Lansangan 3
Source: Facebook

Makikita sa mga itsura nito ang labis na pagkatuwa dahil sa isip nila makakain na sila. Lalo pa nung inabot ni Allan ang isang balot ng tinapay. Nakita sa mukha nung bata ang ngiti. Ngiting pasasalamat, kumbaga.

Maraming Salamat

Maraming salamat kay mamang pulis sa pagbigay ng pagkain. Sa kabila ng lahat ng hirap at pagod, sa pagiging isang frontliners, hindi pa rin niya nakakalimutan ang pagtulong sa kapwa. Bagamat hindi man natin siya nakilala, pero yung kabutihan na nagawa niya ay laging nakatatak sa puso ng mga taong natulungan niya.

Viral Video, Pulis Namigay Ng Pagkain Sa Batang Lansangan 4
Source: Facebook

At sa nag-upload din ng video at nagpost sa social media na si Allan Colinares Francisco. Isang Journalist sa PTV. Nakakatuwa lang na sa gitna ng pinagdadaanan ng ating bansa ay may mga tao pa rin na hindi nakakalimot tumulong. Yung kahit sa maliit na paraan nila napapagaan nila ang bigat na dinadala ng mga taong labis naaapektuhan sa pandemyang ito sa ating bansa.

Hindi naman mahalaga kung gaano kadami o kaunti ang maibibigay natin sa mga taong lansangan na ito. Dahil kahit isang piraso ng tinapay, sapat na sa kanila yun. Lalo na sa panahon ngayon na halos lahat ng tao ay kulang sa pagkain.

Samantala, narito ang kuha na video sa isang mabait na pulis na namigay ng pagkain.

HULI KA SA AKTO, MAMANG PULIS || Habang naka-stop light sa bahagi ng V. Mapa sa Maynila, biglang dumating ang isang naka-motor, huminto at may inilabas na kung ano…maya-maya…inabot ang 'pagkain' sa dalawang tao sa lansangan. Isa pala siyang Pulis base sa nakasulat sa kaniyang damit.Kahit nakapapagod ang buong araw na trabaho…napapawi kahit paano kapag nakakakita ng ganitong kabutihan. Salamat po Sir. #KabutihanSaGitnaNgECQ#InspirasyonKaSir#FlexTheKindness

Posted by Allan Colinares Francisco on Saturday, April 18, 2020
Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: