Press "Enter" to skip to content

Vlogger Hungry Syrian, Prinayoridad Ang Kaligtasan Ng Mga Empleyado

Si Basel o mas kilala sa tawag na “The Hungry Syrian Wanderer” ay naging inspirasyon ng nakakarami dahil sa kanyang pinakitang kabutihan hindi lamang sa nakakarami kundi sa kanyang mga empleyado. Nakilala na siya sa ating bansa sa pagkakaroon ng mabuting kalooban at bukas palad sa mga nangangailangan.

Isa dito ang pagtayo niya ng negosyo at lahat ng kanyang mga empleyado ay mga Pilipino. Sa katunayan, mas pinili niyang magsara para sa kaligtasan ng kanyang mga empleyado dahil sa kinakaharap ng bansa ngayon.

Itinuring ng pamilya

Kamakailan lamang may kinakaharap na malaking pagsubok ang Pilipinas. Dahil dito, napagdesisyunan ni Basel na pansamantalang isarado ang kanyang negosyo. At malaking sakripisyo ito, lalo na sa mga taong nagtatrabaho sa kanya. Gayunpaman, mas inisip niya ang kapakanan at kaligtasan ng mga ito.

Hindi niya alintana ang kikitain niya, bagkus mas inaalala niya ang kapakanan nila. Pamilya na kung ituring ng Syrian na ito ang kanyang empleyado, kaya hindi rin iba ang turing ng mga ito sa kanya. Sabi nga niya sa kanyang post sa Facebook,

” You can have the best strategy and the best business in the world, but if you don’t have the hearts and minds of the people who work with you, none of it comes to life.”

🇵🇭 Closing my Business & Buying my Employees groceries before sending them home 🙏 A boss manages their employees, while…

Posted by The Hungry Syrian Wanderer on Wednesday, March 18, 2020

Groceries at iba pa

Bago pa umuwi ang mga empleyado ni Basel sa kani-kanilang tahanan, sinamahan niya muna ang mga ito sa supermarket upang ibili ng mga groceries tulad ng pagkain at iba pang mga pangunahing pangangailangan. Labis-labis ang naramdaman na kasiyahan ng mga ito dahil sa ginawa ng kanilang banyagang amo.

Bukod sa makakapiling nila ang kanilang mga pamilya, may mga madadala pa silang makakatulong habang nasa bahay lamang sila mamalagi. Kaya sobrang laki ng pasasalamat nila kay Basel dahil sa kabutihan ng puso nito.

Vlogger Hungry Syrian, Prinayoridad Ang Kaligtasan Ng Mga Empleyado 2

Reaksiyon ng mga netizens

Sana All, na lang ang nasasabi ng mga taong humahanga sa Syrian na ito. Bagamat, nagmula sa ibang lahi at walang dugong Pilipino ay taglay naman niya ang pagkakaroon ng pusong Pinoy. Lahat ginagawa niya kahit sa maliit na paraan para lang makatulong sa mga nangangailangan. Ayon sa iba, marami pa sanang katulad niya na handang tumulong sa mga taong nangangailangan nang walang hinihintay na kapalit.

Vlogger Hungry Syrian, Prinayoridad Ang Kaligtasan Ng Mga Empleyado 3

Source: Youtube

One Comment

  1. Mesja Mesja March 20, 2020

    Sana all😊 sana lht tao katulad nya..god bless u🙏

Leave a Reply

%d bloggers like this: