Press "Enter" to skip to content

Vlogger Keith Talens At Mang Jun, Nagbatuhan Ng Akusasyon Sa Programa Ni Idol Raffy!

Nakarating na sa programa ni Raffy Tulfo ang alitan ng Youtube vlogger Keith Talens at driver nito na si Filemon Koh o mas kilala bilang Mang Jun.

Mang Jun

Dumulog si Mang Jun kay Raffy Tulfo upang mag-public apology sa nasaktan nitong security guard sa subdivision na tinitirhan ng amo nitong si Keith. Ang security guard ay kinilalang si Harold Domer.

Vlogger Keith Talens At Mang Jun, Nagbatuhan Ng Akusasyon Sa Programa Ni Idol Raffy! 1

Magkaiba ang bersyon ng kwento ng dalawang panig. Ayon kay Mang Jun, nagawa nitong saktan si Harold dahil umano sa utos ni Keith. Sa senyas umano nito na pinagbasehan ni Mang Jun ay nagawa nitong suntukin ang SG.

Ang ugat umano ng pananakit na ito ay dahil sa mga hindi magandang sinabi ng SG sa mga fans ni Keith na syang dumalaw doon.

Dagdag pa nito ay hiningi umano ng SG ang cellphone number ng dalawang babaeng fan at tinextmate. Na sya namang pinabulaanan ni Harold dahil ayon dito ay Tiktok account ang hiningi nito sa dalawang babaeng fan.

Ayon naman kay Keith, nasa loob umano sya ng kanilang bahay nang maganap ang pananakit ni Mang Jun kay Harold at walang kinalaman sa issue.

Nakuhaan lamang umano ng admin nya ang pangyayari nang masaktuhan na nasa labas ito ay nagti-Tiktok.

Set up

Sigaw ni Mang Jun, set up umano ang pagkuha ng video sakanya at ang pag-upload ng admin ni Talens sa nasabing viral video. Dagdag pa nito, wala umano itong natatanggap na benepisyo o kita mula sa Youtube channel na nakapangalan sa kanya. Ito umano ay pinapatakbo ng among si Keith.

Vlogger Keith Talens At Mang Jun, Nagbatuhan Ng Akusasyon Sa Programa Ni Idol Raffy! 2

Sa wari ni Idol Raffy, tila umano isang set up ang nangyari dahil trabaho ng admin na panatilihin ang magandang imahe ng kanyang amo.

Kaya naman nagtataka ito kung bakit inilabas ng admin ang video na syang makakasira kay Talens.

Ugat ng problema

Dagdag pa ni Mang Jun, pambababae ni Keith Talens ang dahilan at puno’t dulo ng isyu. Dahil pinagtatakpan umano ni Mang Jun si Keith sa pambababae nito, kaya sya ay pinatalsik sa bahay ni Vena, ang partner ni Keith.

Depensa naman ni Keith, si Mang Jun ang tumulak sakanya na mambabae at mismong nagpakilala sa kanya nito.

Kasuhan

Dahil sa kagustuhan ni Harold na kasuhan si Mang Jun, ay tutulungan ito ng RTIA ngunit, sa kaso ay damay si Talens. Na sya namang tinututulan ng SG. Hirit ni Harold, si Mang Jun lang ang nais nito kasuhan at huwag na idamay pa si Talens.

Source: Raffy Tulfo In Action

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: