Gapan City, Nueva Ecija – Mayor Emerson Pascual nanawagan sa mga kabataang gustong magvolunteer na pumunta ng Cityhall ngayong Abril 25, Sabado para tumulong na magsilid ng pera sa sobre na ipamimigay sa mga taga Gapan .
Ang panawagan
Nanawagan si Mayor Emerson Pascual o mas kilala bilang si Mayor Emeng sa mga kabataan sa Gapan na walang ginagawa sa bahay na kung maari ay magvolunteer para makatulong sa pagsilid ng pera sa sobre na ipamimigay sa mga kanilang mga residente.

Ang mga gustong magboluntaryo ay maaring pumunta ngayong Sabado ika 25 ng Abril sa Gapan Cityhall para makapagsimula na. Target nilang maibigay ang pera sa mga tao ngayong Lunes o Martes kasabay ng pagbibigay ng 1 sakong bigas.
Second Wave
Matatandaang nakapamigay na rin si Mayor Emeng ng isang sakong bigas noong simula pa lang ng quarantine sa kanilang mga residente.

Ngayong second wave ay mamimigay ng tig-isang libong piso at isang sakong bigas kada bahay at wala ng lista-lista. Nakatakda sanang ipamigay ang second wave ngayong ika 25 ng Abril ngunit dahil sa may kasama ng pera ay hindi nila mahahabol sa nasabing petsa. Kailangan pa kasing ilagay ang tig-isang libo sa sobre.
Ito ay ginawa ng pamahalaan ng Gapan bilang tugon sa pag-extend ng lockdown hanggang sa ika 15 ng Mayo na dineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte. Nakapangako sila sa mga mamamayan sa kanila na kung maeextend ang Enhanced Community Quarantine ay mimigay ulit sila ng 1 pang sako ng bigas.
Saan kinuha
Marahil marami sa atin ang nagtatanong kung saan galing ang pera na pinamimigay ni Mayor Emeng. Ayun sa kanya ito ay galing sa supplemental budget na pinasa ng kanilang konseho na nagkakahalaga ng P104,770,000.00 at P51,019,595 na galing naman sa national government.

Wala raw silang inutang at sa katunayan nga raw ay may mahigit na 4 na milyon pa silang cash mula sa mga donasyon na hindi pa nila nagagamit. Kung ano raw ang tinatamasang benepisyo ng mga taga Gapan noong wala pa ang pandemia ay yun pa rin ang ibibigay sa kanila pagkatapos.
Source: Facebook
Be First to Comment