Press "Enter" to skip to content

VP Leni, Gusto Ipasuspinde Ang Mga Opisyal Ng PhilHealth Na Sangkot Sa Anumalya

Manila, Philippines – Dahil sa mainit na issue na kinasangkutan ng mga opisyal ng Phillipine Health Insurance Corp (Philhealth), nais ni VP Leni Robredo na ipasuspinde sa tungkulin ang mga opisyal na sangkot sa anomalya.

Pag imbestiga

Sa kaniyang pahayag, sinabi ni Robredo, makatutulong ito para maisagawa ang mas seryosong imbestigasyon sa mga isyung ipinupukol sa ahensya kabilang na ang korapsyon at iba pang maanomalyang transaksyon.

VP Leni, Gusto Ipasuspinde Ang Mga Opisyal Ng PhilHealth Na Sangkot Sa Anumalya 2
Photo Credit: GMA Network

Ani nito,

“Dapat sana may suspension para makabwelo yung mga mag-iimbestiga”

Dagdag pa niya,

“Sana iyon ‘yung gawin to show na seryoso tayo na sugpuin ang corruption. Kasi yung may hawak ng dokumento nandyan pa.”

Pag kwestyon

Samantala, kinuwestyon din ni Robredo ang mga anti-corruption body na dapat ay nakamonitor sa mga nasabing isyu.

Sambit nito,

“Eh diba meron tayong mga anti-corruption bodies, diba dapat ito yung mga naaamoy nila? Na hindi na dapat hinihintay na lumala pa yung sitwasyon?”

VP Leni, Gusto Ipasuspinde Ang Mga Opisyal Ng PhilHealth Na Sangkot Sa Anumalya 3
Photo Credit: GMA Network

Matatandaang kabilang sa mga anomalyang nagaganap sa ahensya ang pagnanakaw umano sa ₱15 bilyong pondo nito sa pamamagitan ng iba’t ibang iligal na transaksyon. Kabilang pa ang inendorso ni PhilHealth president and CEO Ricardo Morales na malaking budget para sa IT equipment software ng ahensya.

Paliwanag ni Morales

Dahil sa kaniyang kalagayan, nag sumite naman si Morales ng health certification na nagpapa tunay na siya ay may Malubhang sakit na kailangan tugunan. Batay pa sa kaniyang naging pahayag kamakailan lang, kaniyang sinabi na tutugon siya sa panawagan ng Senado ngunit via zoom meeting lamang.

VP Leni, Gusto Ipasuspinde Ang Mga Opisyal Ng PhilHealth Na Sangkot Sa Anumalya 4
Photo Credit: GMA Network

Sa kaniyang panayam sa radio, sinabi ni Robredo na hindi sapat na ipinaalam lamang ni Morales at De Jesus sa Senado ang kanilang medikal kondisyon kung saan malapit na ang pag dinig ng naturang imbestigasyon.

Nakatakdang magpatuloy ang pagdinig ng Senado sa mga kontrobesiya sa ahensya sa darating na Martes, Agosto 11.

Source: GMA Network

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: