Press "Enter" to skip to content

‘Wag Hamunin Si Darna’ Lalaking Nagbanta Sa Buhay Ni Angel Locsin Sa Twitter, Sumuko Na

Lumutang na ang kontrobersyal na twitter user na nag post umano ng pagbibigay pabuya sa kung sino man ang makakapatay sa mga ABS-CBN star na tulad nina Angel Locsin, Coco Martin, Kim Chiu, Kathryn Bernardo at maging sa presidente na nasabing network na si Carlo Katigbak.

Suko na

Sumuko sa National Bureau of Investigation o NBI ang lalaking nagngangalang Nhiel Jhon Abellanosa nito Biyernes, Mayo 22, sa Island Garden City of Samal. Ayon kay Abellanosa, hindi siya nag titweet ng pagbibigay pabuya.

‘Wag Hamunin Si Darna’ Lalaking Nagbanta Sa Buhay Ni Angel Locsin Sa Twitter, Sumuko Na 2

Sa katunayan, wala umano siya twitter account kung kaya imposible na magawa niya iyon. Nagamit lamang umano ang kanyang pangalan ng kung sino man may masamang layunin.

Pabuya

Matatandaan na nanawagan ang aktres na si Angel Locsin sa NBI dahil sa tweet umano ni Abellanosa. Ayon sa post, nananawagan umano siya sa mga supporters nina Pangulong Rodrigo Duterte at sa kalaban nitong network na GMA 7 na handa siyang magbayad ng 200 million sa kung sino man ang makakapatay sa mga nabanggit na artista.

‘Wag Hamunin Si Darna’ Lalaking Nagbanta Sa Buhay Ni Angel Locsin Sa Twitter, Sumuko Na 3

Nais din niya na pasabugin na ng mga New Peoples Army o NPA ang buong compound ng nasabing istasyon. Pinagbibintangan din si Locsin na miyembro ito ng komunistang grupo. Kontra kasi ito sa isinusulong ng mga nasabing artista na pagbubukas kasing muli ng kapamilya network.

Wa epek kay Darna

Tinawanan lang ni Locsin ang pagbabanta sa kanyang buhay ng nasabing twitter account. Nagbiro pa ito ng paghingi ng ayuda dahil may pera ito pambayad ng pabuya.

“Baka pwedeng makahingi naman ng pang ayuda kuya,” reply ni Locsin na may laughing emoji pa na kasama.

Sabi niya sa kanyang mga followers, “Wag nyong imessage, natawa lang ako.”

Nag viral ang twitter post na ito sa social media, lalo pa nung tawagin ni Locsin ang atensyon ng NBI. Tanda ito na hindi ito basta basta palalampasin ng aktres kung magpapatuloy ito.

Nitong mga nakaraang linggo naging abala ang NBI sa paghuli ng mga nag popost sa social media ng pagbabanta sa buhay ng mga opisyal ng gobyerno, lalong lalo na kay Pangulong Duterte. Marahil natakot si Abellanosa na mapabilang sa mga ito kaya kusa na siyang sumuko at nilinis ang kanyang pangalan.

Source: ABS CBN News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: