Press "Enter" to skip to content

‘Wag Puro Reklamo, Ito Ang Totoo’ Panindgan Ng OFW Matapos Ikwento Ang Karanasan Sa OWWA

Clark, Pampanga – Binahagi ng isang OFW ang kaniyang naging mabuting karanasan matapos silang asikasuhin ng maayos ng mga taga OWWA, CRK AIRPORT at ng LOCAL GOVT UNIT ng City of San Fernando Pampanga. Sambit pa ng OFW sa kaniyang facebook post, “wag puro nega, wag puro fake news at wag puro reklamo sa gobyerno!”

Pahayag ng OFW

“May pagbabago sa gobyerno! Wag puro nega, wag puro reklamo, wag maniwala sa fake news. Ito ang katotohanan, ito ang tunay na nangyayari!”

'Wag Puro Reklamo, Ito Ang Totoo' Panindgan Ng OFW Matapos Ikwento Ang Karanasan Sa OWWA 2

Sambit ng OFW matapos niyang ikinwento sa social media ang kaniyang naging mabuting karanasan kasama ng kapwa kababayan sa kamay ng OWWA, LGU at Clark Airport. Detalyado niyang inihayag kung papano sila inasikaso at inalagaan ng nasabing mga ahensya kung saan ito’y malaking taliwas sa mga lumalabas na balita sa radyo at telebisyon.

'Wag Puro Reklamo, Ito Ang Totoo' Panindgan Ng OFW Matapos Ikwento Ang Karanasan Sa OWWA 3

Ani pa ng OFW na si Romulo Paras II, siya ay galing Dubai at ang kanilang sinakyan na eroplano ay lumapag sa Clark Airport lulan ng Emirate Airline, EK2572 noong July 22. Ikinwento nito ang kaniyang naging experience mula sa pagbaba ng eroplano, pagpasok sa swabbing area, accomodation sa hotel pati na rin ang mga pagkain na rasyon sa kanila.

Pagtrato ng tama

Kinwento pa ni Paras na hindi na kailangan pa na mag fill-up online ng mga forms dahil habang on-board palang sila ay nabigyan na sila ng kumpletong forms na kakailanganin sa kanilang pagbaba.

Ani pa niya,

“No need to fill-up any online forms dahil lahat ng kailangan ay ibibigay sayo while on board. Nag pahuli ako lumabas ng eroplano dahil madami akong hand carry, as the airport staff are very strict sa social distancing nag-stay muna ng airplane hanggang kaunti na lang ang pila.”

Dagdag pa niya,

“Paglabas ko papunta sa pila kung saan iaasign ang hotel, sinalubong ako ng masayang pagbati ng isang staff na kahit naka mask bakas sa babae ang pagngiti. Then another guy approached me & ask if OFW, I said yes, so he instructed me to take a seat and hand over me forms needed to fill-up. Sabi sakin, sa uupuan mo may mineral water na libre. Bibigay din yung guidelines para sa Quarantine.”

Kwento din ni Paras na magagalang at mabibilis ang pagkilos ng mga staff, very helpful at super assisted sila lahat. Matapos daw niyang makuha ang hotel assignment ay bumalik uli siya sa pagkaka-upo pqra hintayin ang swabbing test niya.

Masaya din nitong binahagi na libre ang hotel at swabbibg test na taliwas sa mga napapalita.

Ani nito,

“Note: LIBRE PO ANG HOTEL AT SWABBING TEST
(Active man or inactive ang membership mo sa OWWA)”

Sinalaysay din niya ang karanasan kung papaano pinapalakas ang kanilang loob ng mga taong nag aasist sa kanila. Matapos ang swabbing ay dumirecho na sila sa immigration kasunod ng oag claim ng kanilang bagahe.

OFW accomodation

Kinwento din ni Paras na matapos gawin ang lahat ng protocol ay nag hintay sila sa labas para sumakay sa kanilang designated bus patungo sa hotel assignment.

'Wag Puro Reklamo, Ito Ang Totoo' Panindgan Ng OFW Matapos Ikwento Ang Karanasan Sa OWWA 4

Ani ni Paras,

“Then guided pa din, paglabas ng airport pipila ka sa designated Bus according to your hotel assignment. May mag-aabot sa yo ng 1pc Jollibee Chicken Joy with rice plus mineral water. Libre po ito. Kapag sasakay ng provided Bus may mag-aasist sayong mga bagahe. May social distancing din sa loob GENESIS Bus. Libre din po ito.”

'Wag Puro Reklamo, Ito Ang Totoo' Panindgan Ng OFW Matapos Ikwento Ang Karanasan Sa OWWA 5

Dagdag pa niya,

“Pag dating sa Hotel, may taga-OWWA sasalubong sa yo,
Apat-apat ang labas sa bus para ma-assist. Ilalabas ang mga bagahe at isasanitize ang mga ito, at tutulungan kang maidala sa room mo. One person per room. Bawal lumabas at gumala sa Hotel strict sila.”

'Wag Puro Reklamo, Ito Ang Totoo' Panindgan Ng OFW Matapos Ikwento Ang Karanasan Sa OWWA 6

Bukod sa magandang pag trato sa kanila patungo sa accomodation ay ibinida din ni Paras ang mga masasarap at masustansyang pagkain na ibinagay sa kanila. Ayon pa kay Paras, araw araw at may taga OWWA na nag mo-monitor ng kanilang body temperature at nasa tamang oras din kung mag bigay ng pagkain sa kanila. Dagdag pa dito ang oversupply nila ng tubig.

Ani nito,

“May toiletries din alloted for 3days. Beside sa bottled mineral water per meal bibigyan ka ng 6liters mineral water. Every day an OWWA representative will monitor your temperature. Your food will be served on time.”

'Wag Puro Reklamo, Ito Ang Totoo' Panindgan Ng OFW Matapos Ikwento Ang Karanasan Sa OWWA 7

Dagdag pa niya,

“Kahit rasyon ito from OWWA masasarap ang luto at sapat ito. Everytime ibibigay ito maganda ang serbisyo at laging nasa oras.”

Katotohanan lamang!

Matapos ang pang-apat na araw, July 25 ay lumabas na ang kabiyang swabbing test result ay ito ay NCOV NEGATIVE. Nag bigay din siya ng agam-agam dahil akala niya hassle ang paguwi sa bansa dahil sa kinakaharap na pandemya.

Ani nito,

“I thought its a big hassle ang pag-uwi sa epidemyang ito. Ngunit sa pinarandam ng GOBYERNONG ito na importansya at pangangalaga sa akin bilang OFW, I felt so blessed. Parang bakasyon grande at hindi panlulumo ang mararandaman mo.”

Dagdag pa niya,

“Walang negative vibes, sa mga taong sumalubong sayo at maayos ang mga serbisyo. Walang nangikil, walang nagsamantala at walang nagparinig na parang gustong managa. SERBISYONG TOTOO lang. Ni piso wala akong ginastos. Libre lahat!”

Mariin nitong sinabi na

“May pag-asa ang Pilipinas! May pagbabago sa Gobyerno! Wag puro nega! Wag puro lapses lang ng gobyerno ang ipakita! Wag puro FAKE NEWS! Wag laging REKLAMO! Iappreciate ang Ginagawa ng administrasyon ng Pangulong DUTERTE.”

Nagpasalamat din ito sa Pampanga Gov. Delta sa malasakit. Lalo na sa frontliners ng CLARK AIRPORT, sa mga OWWA STAFF at Driver ng City of San Fernando.

Source: Facebook/Romulo Paras II

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: