Press "Enter" to skip to content

Wagas Na Pag-Iibigan Ng Lolong May Alzheimer At Misis Na May Covid-19

Last updated on June 22, 2020

Isang lolong may sakit na alzheimer’s disease, pilit na hinahanap ang kaniyang misis na nagkasakit dahil sa covid-19 nito lamang nakaraang buwan Mayo 21, kasalukuyang taon.

Ang pangungulila ni lolo

Labis na nangulila si Lolo Rogelio, matapos mahiwalay sa kanyang asawa na nagkasakit dahil sa Covid-19. Bagamat ito’y kasalukuyang may sakit din na pagkalimot o alzheimer’s disease, ay hindi nito nalimutan ang kanyang mahal na kabiyak na si Lola Erlinda. Ang sakit na ito ay nagreresulta ng pagka  malilimutin ng isang tao sa pang araw araw na gawain at nakasanayan, kahit pa ang mga mahal sa buhay.

Wagas Na Pag-Iibigan Ng Lolong May Alzheimer At Misis Na May Covid-19 2
Photo Credit: GMA News

Ayon sa lolo, lubos siyang nalulungkot sapagkat hindi niya nakikita ang kaniyang mahal na kabiyak. Dagdag pa niya araw araw niyang naaalala ang kabiyak, at ikinasasama ng loob ang pagpigil sakaniya ng mga apo na dalawin ito.

Paghahanap sa kabiyak 

Sa tuwing, pipigilan ng kaniyang mga apo ang Lolo, ito ay nagtatampo sakanila. Paliwanag ng mga apo hindi siya maaring  umalis sapagkat, sila ay nagaalala sa kondisyon nito.Ayon sa apo, may mga panahon na hindi ito nakakabalik ng kanilang tahanan.  Ngunit hindi naman ito lubusang maintindihan ng matanda.

Wagas Na Pag-Iibigan Ng Lolong May Alzheimer At Misis Na May Covid-19 3
Photo Credit: GMA News

Ayon sa apo ni lolo na si Jove, madalas tanungin nag matanda kung naka uwi naba ang kaniyang misis. Madalas kasing malimutan ni lolo rogelio, na nasa quarantine facility si lola erlida, kaya hindi ito maaring umuwi agad. At ito ang lubhang nagpapalungkot sa matanda.

Limang dekadang magkasama

Sadiyang  mahirap umano na mahiwalay si Lolo Rogelio sa kaniyang misis, sapagkat sa loob ng  limang dekada  nilang pagsasama, ni minsan ay hindi pa sila nagkahiwalay. Kaya naman upang maibsan ang kalungkutan, ay araw araw nilang tinatawagan ang kanilang Lola upang magkausap ang mag asawa.

Wagas Na Pag-Iibigan Ng Lolong May Alzheimer At Misis Na May Covid-19 4
Photo Credit: GMA News

Humihingi rin ng tulong ang mga kaanak ng lolo, upang maipagamot ito sa kaniyang sakit. Hirap din kasi ang pamilya na matutustusan ito, sapagakat malaki ang kanilang nagastos ng ang kanilang kamaganak ay pumanaw sa sakit na covid-19 na umabot umano ng 1.9 million ang bill sa ospital.

Source: GMA News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: