Press "Enter" to skip to content

“Wala Kaming Masakyan”: Mag-amang Magka Angkas Sa Motorsiklo Papasok Sa Trabaho, Hinuli Ng Mga Pulis

Pangasinan – Kalaboso ng nasa tatlong oras ang isang mag-ama matapos mahuli na magka angkas sa iisang motor habang bumabyahe papasok sa kanilang trabaho. Wala umano silang masakyan na jeep o tricycle kung kaya nag-angkas sila kahit mahigpit na ipinagbabawal ito ng pamahalaan.

Bawal ang angkas

Nahuli sila ng mga awtoridad sa Barangay Unzad sa bayan ng Villasis sa Pangasinan nitong Huwebes, Hunyo 18. Kwento ng amang si Pedro Munez, wala silang makitang pampublikong sasakyan kung kaya napilitan sila ng anak niyang si Paulo na mag-angkas na lang sa isang motorsiklo.

“Wala Kaming Masakyan”: Mag-amang Magka Angkas Sa Motorsiklo Papasok Sa Trabaho, Hinuli Ng Mga Pulis 2

Ani Pedro, “Wala kaming masakyang papasok, kaya nag-angkas kami. Wala na kaming pambili ng pagkain.”

Rekomendasyon ng IATF

Parehong construction worker ang mag-ama at kasalukuyang nakakaranas ng krisis dahil sa lockdown. Umaasa silang makakapasok na sana sa kanilang trabaho upang kahit paano ay kumita ng pambili nila ng pagkain, subalit nahuli naman ang mga ito.

Mahigpit na ipinapatupad sa kalsada ang pagbabawal sa pag-angkas sa motorsiklo kahit pa sa mag-asawa. Ito ay base na rin sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease o IATF bilang pagsunod sa social distancing upang maiwasan ang mabilisang pagkalat ng pandemic na COVID-19.

Ordinansa sa Villasis

Ayon kay Villasis Police Chief Major Fernando Fernandez, mahigpit nilang ipinagbabawal ang pag aangkas sa motorsiklo. May karampatang parusa ang sino man lalabag sa ordinansang ito.

Ani Fernandez, “Ang motor, mahigpit na ipinagbabawal na may sakay sa likod. May ordinansa sa Villasis na ang violation sa quarantine guidelines ay hindi hihigit sa tatlong oras ng pagkakakulong at hindi hihigit sa tatlong oras na community service.”

Sa ngayon, nakalaya na ang mag-ama matapos mapatawan ng ilang oras na pagkakakulong sa presinto. Sabi ng mag-ama, kung mayroon man lang sana silang bisikleta na magagamit sa pang araw-araw na byahe ay hindi sana sila napipilitang mag-angkas sa motorsiklo dahil alam naman nila na ito ay mahigpit na ipinagbabawal.

Source: Rappler

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: