Masayang ibinalita ng Provincial Health Office (PHO) ng Bataan na wala nang naidagdag na positive cases ng COVID-19 sa kanilang lalawigan sa loob ng anim na araw. Ito ay kabilang sa test results na natanggap nitong Abril 25 kung saan nakatala ang 107 negative cases.
Welcome development
Itinuturing itong welcome development ng probinsya lalo na’t nagkaroon ng 55 na apektadong health workers nitong nakaraang linggo. Ang mga apektadong health workers at galing sa Bataan General Hospital and Medical Center (BGHMC).

Ang bilang nila ay mas marami pa sa kalahati ng kabuuang bilang ng positibo sa buong probinsya kaya naman talagang nakakabahala.
Pakikipagtulungan
Sa tulong ng provincial government kabilang sila Bataan Gov. Albert Garcia at Cong. Jose Enrique, nakapaghanda na ng matitirhan, isolation at quarantine facilities para sa mahigit 280 na apektadong health workers.
Nagkaroon din ng pakikipagtulungan sa pagitan ng private at provincial hospitals. Ang mga non-COVID cases mula sa BGHMC ay ipapadala muna sa private hospitals kung saan sasagutin ng gobyerno ang medical expenses ng mga mahihirap.
Ang BGMHC ay itinuturing na na exclusive facility for COVID-19 patients lamang. Ito ay sagot sa Bataan Inter-Agency Task Force on COVID-19.
Ang mga doctor sa private hospitals naman ay pumayag na 50% nalang ang ibayad sa kanilang doctor’s fee.
Hotel at Hospital
Sa ngayon, may walong health workers na naghihintay ng kanilang resulta ng swab tests matapos sila maexpose sa COVID patients. Sila ngayon ay may hiwalay na tent at facility sa Bataan People’s Center at minomonitor ng hospital araw araw.
Ang ibang mga staff at medical workers sa BGHMC na nagkaroon ng exposure sa COVID patients ay ngayon nananatili sa isang wing ng hospital kung saan ang mga beddings at mga kuston ay bigay ng gobyerno.
Ang mga ibang staff naman ay namamalagi sa mga kwrto sa anim na hotel na malapit sa hospital. Lahat ng pagkain nila at transportasyon papasok ay sagot ng gobyerno
Source: Manila Bulletin
Be First to Comment