Press "Enter" to skip to content

Walang Facemask at Faceshield! Lasing Na Ginang, Nag-amok Sa Loob Ng Isang Convenience Store!

Isang ginang ang viral ngayon sa social media matapos mag-angas sa mga staff ng isang convenience store sa Pasay.

Viral

Isang babae ang nagviral ngayon matapos umeksena sa loob ng isang convenience store sa Pasay. Ang babae ay makikita na walang suot na facemask at face shield. Makikita rin sa video ang dalawang staff na kung saan ay tila pinapakiusapan ang ginang. Maririnig sa video ang paggiit ng babae na sa kanya umano ang franchise store.

Walang Facemask at Faceshield! Lasing Na Ginang, Nag-amok Sa Loob Ng Isang Convenience Store! 2

Lasing

Sa unang video ay tila iniimbitahan nito ang dalawang staff na sumama sakanya. Kinukuha rin nito ang pangalan ng mga empleyado na kung saan ay tila mailap ang babaeng cashier mula sa ginang. Sambit ng ginang sa lalaking staff,

Walang Facemask at Faceshield! Lasing Na Ginang, Nag-amok Sa Loob Ng Isang Convenience Store! 3

“Para sabihin ko sa’yo, akin ‘to” (patungkol sa convenience store).

Pilit din nito na kinukunan ng larawan ang mga dalawang staff para umano ipakita nito sa lalaking nagngangalang “BongBong” at malaman kung ano ang pangalan ng mga nakaalitan na mga staff. Sa video ay kapansin-pansin na lasing ang ginang. Maya maya pa ay lumalapit na ang guard upang mag-awat at dumating ang isang babae upang pigilan ang eskandalo ng babae.

Walang Facemask at Faceshield! Lasing Na Ginang, Nag-amok Sa Loob Ng Isang Convenience Store! 4

Walang facemask

Sa post ng netizen na si Jude Paremo, nalulungkot aniya ito para sa mga staff ng mismong store. Aniya ay tinawag ng nag-aamok na ginang na “p4t4y gutom” ang mga empleyado nito. Hirit pa nito, hindi naman mabigat na sumunod sa pagsusuot ng facemask at face shield para na rin sa kaligtasan ng marami.

Walang Facemask at Faceshield! Lasing Na Ginang, Nag-amok Sa Loob Ng Isang Convenience Store! 5

“I feel sorry sa staff ng Store. Di naman mabigat sa ating mamayan kung susundin natin ang Pagsuot ng Faceshield at facemask, tapos kung bastusin at sabihing “patay gutom” ang mga nagtatrabaho lamang ng maayos. 👎”

Bastos

Sa ikalawang video ay makikitang niladlad ng lasing na ginang ang laman ng kanyang bag sa harap ng cashier nang malamang hindi tinanggap ng huli ang pera nito. Sabay tanong sa cashier kung magkano ba ang kailangan nito mabayaran.

Walang Facemask at Faceshield! Lasing Na Ginang, Nag-amok Sa Loob Ng Isang Convenience Store! 6

Inis na netizens

Umabot na sa ilang libong reactions at comments ang nasabing video isang araw matapos ito iupload sa Facebook. Maraming netizens ang nainis at nagalit sa hindi makataong pagtrato sa dalawang staff.

Source: Jude Paremo

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: