Isang pamilya mula sa Divisoria, Maynila ang ngayon ay nakatira na lamang sa pampasadang tricycle bunsod ng kawalan ng pambayad sa inuupahang bahay. Ang padre de pamilya ay kinilalang si Mang Joel, ayon sa post ng GMA correspondent na si Bernadette Reyes.
Pursigido
Ayon sa viral post ni Reyes, hindi maatim o hindi kaya ni Mang Joel ang mamalimos. Kaya naman, nagiipon na lamang ito ng mga karton na sa kalaunan ay binebenta nito sa junkshop. Sa isang panayam ay ibinahagi nito,

“Hindi ko kayang mamalimos. Kung anong kaya ko ‘yun ang gagawin ko para po kahit paano may makuhang pangkain araw-araw,”
Tricycle
Sa luma at maliit na tricycle nito pansamantalang binubuhay ang kanyang pamilya. Ito ang nagsisilbi nilang pansamantalang tahanan habang umiiral pa ang enhanced community quarantine at wala pang byahe sa gitna ng krisis. Sa mga larawan kalakip ng post ay makikita ang asawa at anak nito, kasama si Mang Joel. Sa likod ng tricycle ang nagsilbi nilang lutuan at lagakan ng mga naipong karton na sa susunod na araw ay ibebenta nito sa junkshop para pantustos.

Deserving sa ayuda
Maraming netizens ang kumurot ang puso nang makita ang kasalukuyang kalagayan ng pamilya. Anila ay itong pamilya na ito ang deserving na makatanggap ng ayuda at maraming tulong. Kinabiliban ang pagiging pursigido ni Mang Joel dahil sa pagtanggi nito na mamalimos at mas pinili ang kumayod ng buto para may perang pantustos para sa kanilang pang-araw araw na panggastos.

Mabuting ehemplo
Ayon sa komento ng netizens, isang magandang ehemplo si Mang Joel dahil madiskarte ito, hindj pala-asa at responsable. Na sa kabila ng mahirap na kalagayan ay hindi nito pinipiling magreklamo bagkus ay magtrabaho na lamang para sa pamilya. Hiling ng marami ay mabigyan ng ayuda ang pamilya ni Mang Joel ngayong tayo ay nahaharap sa pandemic.
Source: GMA News
Be First to Comment