Press "Enter" to skip to content

Walang Total Lockdown: ‘Calibrated’ Community Quarantine, Ipatutupad Sa Lalawigan Ng Cavite

Nanghingi ng paumanhin si Governor Jonvic Remulla matapos nitong ianunsyo na magkakaroon ng total lockdown sa Cavite. Aniya ay hindi kakayanin ng mga tao sa kanilang lalawigan ang total lockdown at magugutom ang mga tao rito. Imbis na total lockdown, calibrated community quarantine ang ipapatupad nito.

Calibrated community quarantine

Ang calibrated community quarantine ay paiiralin simula sa Biyernes, May 1 hanggang May 15. Sa ilalim nito ay magiging 24 oras ang curfew sa lalawigan maliban sa mga frontliners, bank employees, food handlers, at nagsasagawa ng relief operations. Ang mga taong may quarantine pass lamang ang papayagang lumabas ngunit hanggang alas-sais lamang ng gabi.

Walang Total Lockdown: 'Calibrated' Community Quarantine, Ipatutupad Sa Lalawigan Ng Cavite 2

Ang mga essential businesses lamang ang pahihintulutan na mag-operate tulad ng food delivery and service, financial services, at gas stations.

Mga ipinagbabawal

Mananatiling ipinagbabawal ang pagtatambay sa labas ng bahay, maging man ang pagzuzumba o kahit ano pa mang uri ng pag-eeehrsisyo. Bawal din ang pagpapalipad ng mga saranggola. Ang mga senior citizens din ay pinapayuhan na manatili sa kani-kanilang mga tahanan. Mandatory din ang pagsusuot ng face mask.

Walang Total Lockdown: 'Calibrated' Community Quarantine, Ipatutupad Sa Lalawigan Ng Cavite 3

Wala nang warning

Sa ilalim din ng calibrated community quarantine ay tatanggalin na ang pagbibigay ng warning sa mga violator bagkus ay huhulihin na kaagad. Ang mga walang quarantine pass at mahuhuling pagala-gala ay mao-automatic arrest order. May quarantine pass man o wala ay ipinagbabawal ang pagkukumpulan. Ang mga quarantine pass naman ay epektibo lamang sa loob ng nasasakupan na LGU. Kung ito ay quarantine pass sa Bacoor, ito lamang ay magiging epektibo sa loob lamang ng Bacoor.

Paghihigpit

Magiging mahigpit ang gagawing pagbabantay sa mga palengke ng Dasmarinas at Bacoor dahil doon ang may pinakamaraming bilang ng mga namimili. Ang bawat checkpoint ay magkakaroon lamang ng apat na tao, hindi kasama rito ang myembro ng PNP at AFP. Paalala ni Governor Jonvic,

“16 days to go. Magkaisa tayo.”

Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: