Press "Enter" to skip to content

Wallet Na May Lamang P10,000, Ibinalik Ng Nakapulot Na Vendor Sa May-Ari

Isang vendor ang nagbalik sa may-ari ng napulot niyang wallet na naglalaman ng P10,000. Ito ay ayon sa Facebook post ni Barangay Chairman Angelika dela Cruz ng Barangay Longos, Malabon City.

Kahanga-hanga

Sa pamamagitan ng social media, pinuri ni Barangay Chairman dela Cruz ang vendor na nagsauli ng wallet at ng P10,000 na laman nito ng buong-buo.

Aniya sa kanyang post, “Sa panahon na naghihirap ang mga tao at naghahanap ng pagkakakitaan, Flex ko lang po ang mapaka HONEST na si Sir JOJO TIAMZON.”

Dagdag pa niya, “Nakapulot po siya ng wallet na naglalaman na 10,000 pesos. Anong ginawa niya? Dinala niya sa barangay at isinoli sa may-ari na si JOSE PACHO.”

Wallet Na May Lamang P10,000, Ibinalik Ng Nakapulot Na Vendor Sa May-Ari 2
Credits: Angelika dela Cruz

“Sir, saludo po ako sa inyo. Sana po marami pang tao ang maging katulad ninyo. Salamat din sa aming volunteer na si Joseph Abiado na tumulong sa kanila,” dagdag pa ni Dela Cruz.

Katapatan

Ang ating bansa ay kasalukuyang nasa kundisyon na karamihan ng tao ay naghahanap ng extra income para mapakain ang kanilang pamilya. Subalit sa kabila nito, may mga matapat na tao pa rin na makakapagpatunay sa atin sa kabutihan ng Pilipino.

Wallet Na May Lamang P10,000, Ibinalik Ng Nakapulot Na Vendor Sa May-Ari 3
Credits: Angelika dela Cruz

Mas pinili ni Tiamzon na gawin kung ano ang tama – ang isauli ang wallet sa tunay na may-ari, nang walang pag-aalinlangan. Hindi niya pinag-isipang itago ito at kunin ang lamang pera.

Viral

Mabilis na nag-viral ang FB post na ito tungkol kay Jojo Tiamzon o Tatay Jojo. Humanga ang mga netizens sa katapatan at kabutihan niya. Narito ang ilan sa mga reaksiyon ng netizens sa naturang FB post:

Wallet Na May Lamang P10,000, Ibinalik Ng Nakapulot Na Vendor Sa May-Ari 4

Agad na na-kontak ang may-ari na si Jose Pacho dahil sa mga ID na nasa wallet at naisauli sa kanya ng buo ang pera at wallet niya. Sa tulong ng volunteer na si Abiado, napagharap ang dalawa sa loob ng barangay hall.

Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: