Press "Enter" to skip to content

Call To Judgement: QC Pulis, Tama Ba Ang Pamamaril Sa Isang ECQ Violator?

Isang retiradong sundalo ang namatay sa pamamaril ng isang pulis sa Quezon City. Ang pangyayari ay nagsimula dahil sa paglabag ng nasabing veteran sa enhanced community quarantine.

Ang biktima ay kinilalang si retired corporal Winston Ragos na huli raw na-assign sa Marawi bago tuluyang umalis sa serbisyo. Ayon sa kaniyang pamilya, ang biktima ay wala umano sa kaniyang tamang pag-iisip.

Ang nangyari

Ito’y nangyari sa isang quarantine checkpoint sa Maligaya Drive, Quezon City. Unang sinabihan si Ragos ng mga pulis na tumalikod at itaas ang mga kamay na agad naman niyang sinunod.

Call To Judgement: QC Pulis, Tama Ba Ang Pamamaril Sa Isang ECQ Violator? 2
Photo credit: Rappler

Ngunit nang siya’y minandohan na dumapa, biglang humarap ang biktima at nakipagsagutan sa mga pulis. Mayamaya pa’y pumorma si Ragos na tila may dudukutin sa kaniyang bag.

Ito ang nag-udyok kay Police Master Sergeant Daniel Florendo Jr na paputukan siya ng dalawang beses. Matapos ang ilang segundo, bumagsak ang katawan ni Ragos sa bangketa at tuluyang namatay bago pa makaabot sa ospital.

Depensa ng pulis

Ayon sa mga awtoridad, may laman daw ang bag ni Ragos na isang .38 na baril at mga bala. Giit pa nila, bigla na lang daw lumapit ang biktima sa mga nagbabantay sa quarantine control point at nagsisigaw.

Call To Judgement: QC Pulis, Tama Ba Ang Pamamaril Sa Isang ECQ Violator? 3
Photo credit: Local Pulse

Sinabihan naman daw siya ng pulisya na umuwi dahil lumalabag siya sa kasalukuyang enhanced community quarantine. Ngunit imbes na makinig, ito’y natuloy sa komprontasyon na bumawi ng kaniyang buhay.

Paliwanag naman ni QCPD Director Brigadier General Ronnie Montejo, judgment call daw ang kinilos ng pulis upang protektahan ang kaniyang sarili lalo na’t armado si Ragos.

Sagot ng kaanak

Mariin namang giniit ng mga kaaanak ni Ragos na hindi baril ang mayroon ang biktima kundi schizophrenia at post-traumatic stress disorder simula pa noong 2011.

“Wala naman hong ginagawa ang kapatid ko. Pinatalikod nila, akala nila bubunot. Wala naman pong bubunutin eh, wala pong armas, kahit anong armas wala ang kapatid ko,” sabi ng kapatid ni Ragos na si Janet Macahilig.

Call To Judgement: QC Pulis, Tama Ba Ang Pamamaril Sa Isang ECQ Violator? 4
Photo credit: Local Pulse

“Sinasabi raw niya, ‘Sige barilin niyo na po ako sir, barilin niyo na po ako.’ Tapos hinarap po siya, ibinibigay niya ‘yung kamay niya. ‘Posasan niyo na lang ako sir,'” dagdag pa niya.

“Kukuhanin niya na po ‘yung bag niya, pinaputukan po siya pero nakuha’t naihagis na niya ‘yung bag niya,” aniya.

Sa kasalukuyan, hinaharap na raw ni Master Sergeant Florendo ang criminal at administrative investigation ukol sa pangyayari.

Narito ang maselang video ng pangyayari:

Source: GMA Network

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: