Press "Enter" to skip to content

Weekly Mahiwagang Timba Na Puno Ng Pagkain, At Arawang‌ Merienda Inaabangan Sa Isang‌ Brgy

Bawat alas tres ng hapon nagiingay na ang mga residente ng Brgy. 362 Zone 36 District 3 sa Sta. Cruz Manila. Hindi sirena or patrol ng brgy. Ang nagiingay kundi ang pagsigaw ng mga residente ng “merienda!”

Chairman Nanay

Ang barangay chairman nila na si Ann Christine Abella, ay sinigurong walang lalabas sa bahay nila. Upang makamit ito, nagiikot ang mga barangay officials bawat alas tress ng hapon upang maghatid ng pagkain.

Weekly Mahiwagang Timba Na Puno Ng Pagkain, At Arawang‌ Merienda Inaabangan Sa Isang‌ Brgy 2

Wala kang makikitang tao sa labas kundi ang mga opisyales na isang senyales na kuntento ang mga constituents niya kaya di lumalabas.

Mahiwagang timba

Bukod pa sa arawan na ronda ng chairman-nanay nila, bawat sabado, nagpapamigay pa ito ng weekly balde package sa lahat ng residente bawat pamilya.

Weekly Mahiwagang Timba Na Puno Ng Pagkain, At Arawang‌ Merienda Inaabangan Sa Isang‌ Brgy 3

Ang balde ay naglalaman ng pagkain na makakatagal ng isang linggo para sa pamilya. Ito ay marerefillan uli sa susunod na linggo.

Ang laman nito ay ice, frozen goods, vegetables, milk, cheese spread, pasta and tomato sauce, egg noodles, soft drinks, bread, canned tuna and sausages, pineapple juice, biscuits, at pati na din dog food.

Kasama na rin dito ang water jugs na binibigay sa bawat pamilya na nirerefillan din bawat sabado pagrefill ng timba nila.

Mapayapang komunidad

Dahil sa pagmamalasakit na ipinakita at ginagawa ni chairman, ay talaga naman naging napakapayapa ng kanilang barangay.

Weekly Mahiwagang Timba Na Puno Ng Pagkain, At Arawang‌ Merienda Inaabangan Sa Isang‌ Brgy 4

Ni hindi ka na makakakita ng mga tao na nakakalat sa labas ng bahay. Lahat sila ay nasa bahay naghihintay ng alas tres at ng pag refill ng mahiwagang timba ni chairman.

“We are doing everything that we can to ensure that our residents would not need to go outside. We want to lessen the risk of any infection so that means ensuring that they stay away from wet markets, grocery stores, etc.,”

“I also want our people to receive the kind of aid that they would be happy to receive. I like to put myself in their position and I often ask myself, ‘If I will be the one who will be receiving the aid, what do I want to receive? What will I feel if I receive this kind of package?’ It may not be very lavish but at least it’s enough to convince them that they don’t need to go out during the lockdown,”

Source: Inquirer.Net

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: