Press "Enter" to skip to content

Willie Revillame, Tinulungan Ang Buntis Na Tinanggalan Ng Bubong Ng Landlady

Caloocan City – Binaklasan man ng bubong dahil hindi makabayad sa renta, inulan naman sila ng biyaya matapos silang tulungan ng “Wowowin” host na si Willie Revillame. Ito ay matapos saklolohan at bigyan ng pinansyal na tulong ang dalawang nangungupahan sa bahay na hindi makabayad ng renta dahil sa nararanasan na crisis sa bansa.

Viral video

Matatandaan na binalita sa 24 oras nitong Linggo ang nangyaring viral na video na napanood naman ng Wowowin host. Noong Lunes, binuksan ni Willie ang paksa sa kaniyang segment sa Wowowin.

Willie Revillame, Tinulungan Ang Buntis Na Tinanggalan Ng Bubong Ng Landlady 2
Photo credit: GMA Network.

Ani niya,

“Nakakalungkot dahil sa nangyayring ito sa ating mga kababayan. Sa sitwasyon na ito, wala ho e, wala talagang pera e, walang trabaho”

Kaniyang tinawagan at kinausap ang uploader ng video pati na rin ang naturang tenant.

Sambit ni Willie,

“Wag kayong mag-alala, babayaran ko ung anim na buwan ng upa nyo.”

Pag abot ng tulong

Nagpadala rin siya ng bigas at tulong pinansyal sa pamilya.

Willie Revillame, Tinulungan Ang Buntis Na Tinanggalan Ng Bubong Ng Landlady 3
Photo credit: GMA Network

Ani niya,

“Alam mo magpasalamat ka rin sa may ari. Alam mo kung bakit? Binuksan yung bubong mo. Hulog ‘to ng langit sa inyo.”

Sinabi din ni WIllie na magpasalamat sila dahil kung hindi binuksan ang bubong ng kanilang bahay, ay hindi niya raw ito makikita at malalaman ang nangyari.

Biyayang binigay

Biniyayaan din niya ng pera ang uploader ng video bilang pasasalamat sa pagmalasakit nito.

Willie Revillame, Tinulungan Ang Buntis Na Tinanggalan Ng Bubong Ng Landlady 4
Photo credit: GMA Network

Ani niya,

“Bibigyan kita ng 20,000 dahil ikaw ang nag-upload. Wag kayo mag alala, ako na bahala.”

Kahapon ay naihatid na sa mga pamilya ang tulong na ipinangako ni Willie sa mga nasabing biktima. Lubos naman na nagpapasalamat ang mga ito at hindi makapaniwala na sla ay nakatanggap ng tulong mula ki Willie.

Source: GMA Network

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: