Press "Enter" to skip to content

Willie Revillame Umalma Sa Inilabas Na Balita Ng Rappler Tungkol Sa Kanya

Hindi nagustuhan ni Willie Revillame ang isang artikulo na inilabas ng Rappler tungkol sa pagbibigay niya ng tulong pinansyal sa mga jeepney drivers. Gusto lang naman daw niya makatulong sa mga ito at hindi niya nais magyabang.

Hijack daw

Sumama ang loob ng aktor-host na si Willie Revillame dahil sa naging pamagat ni Pia Ranada sa kanyang isinulat na artikulo para sa Rappler. Ayon kay Willie, masama daw ang dating nito na may pamagat na, “Willie Revillame hijacks Roque press briefing to promote charity, GMA 7 show”.

Willie Revillame Umalma Sa Inilabas Na Balita Ng Rappler Tungkol Sa Kanya 2
Photo Credit: Rappler

Hindi nagustuhan ng host ang naging pamagat ng artikulo ni Pia Ranada. Dahil wala naman daw siya ibang intensyon, ang gusto lamang niya ay makatulong sa mga nangangailangan.

Kamakailan lamang ay nangako si Willie na magbibigay ng 5-Million para sa mga Jeepney Drivers na nawalan ng hanap-buhay dahil sa pandemya. Nais rin niya bigyan ng tulong ang mga naiwan na pamilya ng mga nasawi sa pagsabog sa Beirut, Lebanon.

Sabi nga ni Willie sa Rappler at kay Pia Ranada,

“Kaya kayo nasasabihang fake news kayo eh”.

Dagdag pa niya,

 “Sana sa pagsulat mo alamin mo ang istorya, kaya kayo nasasabihang fake news kayo ‘eh. Hindi totoo ang sinasabi mo. Never akong mangha-hijack.”

Tinanggihan na raw niya ‘nung una ang imbitasyon ni Secretary Harry Roque. Dahil iniiwasan niya ang ganitong mga pangyayari. Pero napilit na rin daw siya nito ng tumagal dahil gusto daw nitong personal na magpasalamat.

Gusto lang makatulong

Labis na ikinalungkot ni Willie Revillame ang mga naging reaksyon at komento ng ibang mga netizen. May mga nagsasabi na tatakbo siya sa election kaya namimigay siya ng pera ngayon. Sabi rin ng iba na nagyayabang daw ang aktor dahil sa marami itong pera.

Willie Revillame Umalma Sa Inilabas Na Balita Ng Rappler Tungkol Sa Kanya 3
Photo Credit: News Keener

Ayon nga kay Willie,

Yung 5 million, galing sa sarili ko ‘iyon… shinare ko lang naman po ‘yung kakayanan ko at nangako po ako na kung kaya kong tumulong, gagawin ko,” sabi ni Willie.

Eh para pa hong napasama pa ako sa iba na parang nagbuhat ako ng bangko, parang nagyabang pa ako, hindi ko po maintindihan kung bakit may mga ganyan klaseng tao..,” dagdag pa nito.

Tweet ni Pia

Dahil sa mga naging pahayag ni Willie ay sinagot ito ni Pia sa kanyang twitter account. Aniya, hindi lang daw naiintindihan ng aktor/host ang ibig sabihin ng salitang “hijack”. Ipinost nito ang kahulugan ng salitang ‘yun.

Willie Revillame Umalma Sa Inilabas Na Balita Ng Rappler Tungkol Sa Kanya 4
Photo Credit: Pia Ranada

Bakit kaya ganun, gusto lang naman makatulong ng tao pero pinagmumukha pang masama ng iba. Hindi ba pwedeng hayaan na lang siya na tumulong at ‘wag na lang bigyan pa ng masamang interpretasyon.

Panoorin sa video ang naging pahayag ni Willie.

Video Credit: News Keener

Source: News Keener

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: