Press "Enter" to skip to content

Work From Home Set Up, Alok Ng Isang BPO Company Sa Mahigit 2,000 Job Seekers

Magandang balita! Ang Everise BPO ay nangangailangan ngayon ng mahigit 2,000 na mga empleyado. Ang mga papalaring matatanggap ay di na kailangan mamasahe araw araw, dahil sa bahay o Home Base Set ang alok na oportunidad.

Pagbawi pagkatapos ng COVID

Ang hakbang ng Everise ay dadagdag sa 3,000 mga empleyado nila sa Metro Manila ng 67%. Indikasyon sa malakas na pag-usad ng kompanya kahit may pandemya. Sa ngayon ay mayroon na 12,000 na empleyado ang kompanya sa buong mundo.

Work From Home Set Up, Alok Ng Isang BPO Company Sa Mahigit 2,000 Job Seekers 2
Photo credit: Everise

At mas lalo pang hinahangad ng kompanya ang pagpapalawak sa kanilang operasyon ngayong lumuwag na ang mga restrictions sa COVID protocols.

Work From Home Set Up, Alok Ng Isang BPO Company Sa Mahigit 2,000 Job Seekers 3
Photo Credits: Philstar

Ayon ni Sudhir Agarwal, founder, and CEO of Everise,

 “The operational metrics point to us having an appetite for growth, and as such we are poised for strong recovery post-COVID-19 and the necessary restrictions on movement,”

Nais makatulong

Sa ganitong paraan ay umaasa ang kompanya na makakatulong sila sa malalang problema ng kawalan ng trabaho sa bansa.

Work From Home Set Up, Alok Ng Isang BPO Company Sa Mahigit 2,000 Job Seekers 4
Photo credits: Businessmirror

Ayon sa tala ng Philippine Statistics Authority, noong April 2020, ay nasa 7.3 milyong ang mga walang trabaho dahil sa mga lockdown.

Ang mga qualifications

Walang age limit ngunit ang mga may alam sa  Customer experience and support sa voice, chat and email, online marketing on technology at healthcare brands, ay mas may mataas na tyansa para matanggap.

Work From Home Set Up, Alok Ng Isang BPO Company Sa Mahigit 2,000 Job Seekers 5
Photo Credit: Intergofed

Ang Everise sa Pilipinas ay isa sa mga malaking BPO sa bansa, at may 2 opisina sa Bonifacio Global City.

Hindi nagpatalo sa COVID

Noong panahon ng lockdowns, ay halos nasa 90% ang nailagay sa Home Based Set up na mga services nila para sa kanilang mga kliyente. Kaya lalong tumaas ang demand ng kanilang mga services.

Work From Home Set Up, Alok Ng Isang BPO Company Sa Mahigit 2,000 Job Seekers 6
Photo Credits: Siliconreview

At kahit may COVID 19, ay nakapagtala ng 18% growth o increase sa mga customers nila gaya ng Food Delivery, Gaming, eCommerce, and Healthcare industries. Bagay na ipinagmalaki ni Agarwal.

Hi tech ang diskarte

Diniskartehan ng Everise ang pag set up ng Home Base work tulad ng online interview, virtual training and on-boarding at business intelligence. Kaya ang ibang mga online support services nila ay pwede sa home base set up.

Work From Home Set Up, Alok Ng Isang BPO Company Sa Mahigit 2,000 Job Seekers 7
Photo Credits : Appen

Masaya si Agarwal, na patuloy silang nakapag bigay sa mga commitmments nila sa kanilang mga kleyente kahit halos lahat ng empleyado ay nagtratrabaho sa home base set up.

Ayon sa ibang ulat, ang mga BPO industries ay isa sa mga mas madaling naka bangon sa panahon ng pandemia. At malaki ang ma e a-ambag sa muling pag gulong ng ekonomiya sa bansa.

Narito ang kabuuang ulat:

A Singapore-based BPO firm is hiring 2,000 work-from-home employees in the Philippines.

Posted by CNN Philippines on Wednesday, June 24, 2020

Source: CNN Philippines/FB

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: