Press "Enter" to skip to content

Wow Kinilig? Isang OFW Ang Kinilig Sa Naging Sagot Ni Yorme Isko Sa Tiktok Nito

Isang OFW sa Doha ang kinilig ng makita ang pagsabay ni Manila City Mayor Isko Moreno sa isang tiktok video nito na ginawa. Ito ay alay ng nasabing Mayor bilang pampa-good vibes para sa mga frontliners.

Ang OFW

Si Shirlyn Mendiola na tubong Zamboanga at isang OFW sa Doha ang babaeng nakapareha ni yorme sa kanyang tiktok. Ang nasabing video ay inupload mismo nito sa kanyang facebook account na may caption na yorme at heart eyes na emoticons pang kasama. Hindi makakaila sa video na ito na kinilig ang nasabing OFW sa ganda ng naging ngiti ni yorme.

Ang OFW- OFW
Facebook

Kaya naman talagang todo ang naging reaksyon nito ng ito ay kanyang ipost. Ang laman ng tiktok nila na ito ay ang tungkol sa pagsabi ni Mayor na ayaw na di umano nito sa mundo, at nang tanungin ito ni Shirlyn kung saan na nito gusto ay sumagot ito nang “sa mundo mo”. Ang palitan ng salita nila na ito ay sinabayan pa ng nakakakilig ng kantang ako’y tinamaan na kinanta naman ng Reo Brothers.

Alay ni yorme

Samantala ay makikita sa parte ni yorme na mayroong nakasulat sa itaas ng kanyang video na “stress the whole day, we love you frontliners”. Isang pagpapakita na nais nitong pasiyahin hindi lamang ang nasabing OFW pati na din ang ibang mga makakapanood ng tiktok na ito kundi pati na din ang mga frontliners.

Sa ngayon ang video ay mayroon ng 84 views simula ng ito ay iupload ng babae sa nasabing social media account at nagkaroon din ng iba’t-ibang reaksyon ang netizen na mga nakapanood nito.

Ang apps

Ang apps na ito ay sumikat dahil sa mga kakatwang mga salita na ginagaya ng mga nais gumawa ng video dito. Nang mag simula ang lockdown ito ay naging isa sa mga libangan ng nakararami.

Partikular na dito ang mga kabataan, frontliners at maging ng mga sikat na artista at ito ay naging isang paraan upang makapag bigay kasiyahan sa panahon ng krisis at problema na kinaharap ng bansa.

Narito ang nasabing video

Yorme!!!😍😍😍😜😂

Posted by Sherilyn Mendiola on Friday, May 1, 2020

Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: