Press "Enter" to skip to content

Wow! Mayor Sara Namigay Ng Fried Chicken Sa Mga Distrito Ng Davao City Na May Pinakamababang Kaso Ng Covid-19

Namigay si Mayor Sara Duterte-Carpio ng 10,000 fried chicken sa mga distrito ng Davao City. Ito ay dahil sa kanyang pagtupad sa pangakong magbibigay siya ng mga ito sa mga distritong may pinakamababang kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Mga nagwagi

Ipinamahagi ni Mayor Inday ang mga maturang fried chicken sa mga nagwaging distrito. Nagwagi ang Cluster 4 at 5 na may 7 na COVID-19 cases. Sa Cluster 1 naman ay may 106 na COVID-19 cases, sa Cluster 2 at 3, may 43 cases, habang sa Cluster 6 ay may 8 cases.

Wow! Mayor Sara Namigay Ng Fried Chicken Sa Mga Distrito Ng Davao City Na May Pinakamababang Kaso Ng Covid-19 2
Philippine Press

Ang mga distritong sakop ng mga cluster na ito ay ang Toril, Calinan, Tugbok, Baguio, at Marilog.

Ang premyo

Ang residente ng mga naturang distrito ay napamahagian ng libo-libong fried chicken meal na may kasamang juice. Ito ay bilang premyo sa hamon ng alkalde sa mga naturang lugar.

Wow! Mayor Sara Namigay Ng Fried Chicken Sa Mga Distrito Ng Davao City Na May Pinakamababang Kaso Ng Covid-19 3
Philippine Press

Kahit dinagsa ng mga residente ang distribution center, sumusunod sila sa physical distancing at may suot din na kani-kaniyang face mask. Ito ay upang masuportahan ang kanilang sarili sa nakakahawang sakit.

Ang sikreto

Ayon sa mga residente, sikreto umano sa mababang bilang ng COVID-19 cases sa kani-kanilang distrito ay ang pagsunod sa “stay at home” na mandato ng gobyerno. Sa panahon ng enhanced community quarantine (ECQ), nahahati sa anim na cluster ang Davao City, na binubuo ng isa o maraming political districts.

Wow! Mayor Sara Namigay Ng Fried Chicken Sa Mga Distrito Ng Davao City Na May Pinakamababang Kaso Ng Covid-19 4
Philippine Press

“Sana ay wala nang madagdagan sa mga positive ninyo. ‘Yan lang ang aking tanging wish para sa inyo. Tugbok, Toril, Calinan, Marilog, and Baguio,” -Mayor Sara Duterte.

Balik eskwela

Naniniwala si Mayor Sara na hindi dapat maantala ang pag-aaral ng mga bata dahil sa banta ng COVID-19 sa bansa. Ayon sa alkalde, kung iuurong ang pagbubukas ng klase at halimbawang pagdating ng Setyembre ay umakyat sa isang milyon ang kaso ng COVID-19 sa bansa, posibleng maantala muli ang pasukan.

Wow! Mayor Sara Namigay Ng Fried Chicken Sa Mga Distrito Ng Davao City Na May Pinakamababang Kaso Ng Covid-19 5
Philippine Star

Aniya kung madadagdagan pa ang kaso sa Nobyembre muling mauurong ang pag-aaral ng mga bata. Giit ni Mayor Sara na hindi ibig sabihin ng pagbabalik eskwela ng mga bata ay kailangan na pisikal silang nasa paaralan.

Wow! Mayor Sara Namigay Ng Fried Chicken Sa Mga Distrito Ng Davao City Na May Pinakamababang Kaso Ng Covid-19 6
Philippine Press

Sinabi ng alkalde na batay sa guidelines na inilabas ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) para sa sektor ng edukasyon. Ito ay ang maaaring magkaroon ng online classes at offline modes of learning para sa public at private school.

Extended

Kabilang ang Davao City sa mga lugar na mag-eextend ang general community quarantine hanggang sa Hunyo 15. Ito ay sa kadahilanang sa kasalukuyan ay may 253 COVID-19 cases ang lungsod, kung saan 117 nito ay gumaling na sa naturang sakit.

Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: