Press "Enter" to skip to content

Xian Gaza Vs. FLM: Xian Gaza, Binuking Ang Tunay Na Modus Ni Francis Leo Marcos

Viral ngayon ang video ni Xian Gaza ng pagdedetalye sa tunay umanong kulay ni Francis Leo Marcos o FLM. Props lamang umano si FLM ng isang mas malaking tao para sa malaking scamming business.

Pasabog ni Gaza

Ayon kay Gaza, hindi tunay ang pagtulong ni FLM sa mga tao. Planado na umano ang paglabas nito sa social media noon pang nakaraan taon. Ngunit mali ang sapantaha ng karamihan na kaya tumutulong si FLM ay balak niyang tumakbo bilang senador sa susunod na eleksyon.

Xian Gaza Vs. FLM: Xian Gaza, Binuking Ang Tunay Na Modus Ni Francis Leo Marcos 2

Palabas lang umano ito at may mas malaki pang dahilan sa likod nito. Ayon kay Gaza, si FLM na ang tunay na pangalan ay Norman Mangusin ay ginamit lang umano ng isang makapangyarihang tao para sa investment scam sindicate bilang front lamang.

Plano ng sindikato

Plano umano ng nasa likod nito na magtayo ng isang scamming business ngayong taon para kumita ng bilyong pera. Ngunit dahil sa pagpasok ng pandemic, naudlot ang maitim nilang balak. Subalit, hindi pa rin tumigil ang sindikato ay ginawang oportunidad ang krisis na kinakaharap ng bansa.

Xian Gaza Vs. FLM: Xian Gaza, Binuking Ang Tunay Na Modus Ni Francis Leo Marcos 3

Gumamit sila ng isang tao na pababanguhin nila ang pangalan sa publiko na si FLM na nga. Palalabasin nila umano pilantropo si FLM upang makuha ng simpatya ng mga mamamayan. Kung kaya naman ginastusan nila ng husto si FLM para sumikat sa social media at makilala ng milyong milyon na katao.

Peke ang lahat

Nagbabayad umano ang sindikato sa may ari ng maraming DDS page sa Facebook ng malaking halaga upang ipakalat ang video ng kunwaring pagtulong ni FLM. Target umano ng sindikato na kunin ang loob ng masa sa pamamagitan ng paunti -unting pagtulong.

Isa umanong kasinungalingan ang tone-toneladang bigay na siyang ibinabandera palagi ni FLM sa kanyang video. Props lamang umano ang lahat ng ito at hindi talaga ito ipinamimigay. Sa katunayan, nagbabayad umano sila sa mga may ari ng truck ng P3,000 araw araw para magamit lamang bilang props sa video.

Tunay na motibo

Ang tunay na motibo umano ng sindikato ay pasikatin si FLM upang makapagtayo sila ng isang kunyaring charity institution upang makahingi ng donasyon sa mga OFW at iba pang mayayamang tao. Balak lang umano nilang perahan ang mga tao sa pamamagitan ng donasyon.

Sa katunayan, mahigit tatlong linggo na umano ng sinimulan ng sindikato ang pangangalap ng donasyon. Milyon milyon na umano ang nakokolekta nila ngunit wala silang balak ibigay ang lahat ng iyon sa mga nangangailangan.

Sa huli, itatakbo lang ng mga ito ang perang nakulimbat nila sa mga tao. Sa ngayon wala pang sagot si FLM sa akusasyon ni Gaza laban sa kanya.

Xian Gaza explained behind Francis Leo Marcos Modus operandi. Ano ba talaga ang totoo?

Posted by Yang Ying Vines on Friday, May 22, 2020

Source: Yan Ying Vines

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: