Press "Enter" to skip to content

Yorme Isko, Naglaan Ng Budget Para Pambili Ng Tablet At Laptop Sa Mag-aaral At Guro

Manila, Philippines – Matapos malipag pulong si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, sa Local School Board ng lungsod, kaniyang napag pasyahan na bumili ang lokal na pamahalaan ng mga tablet at laptop upang magamit ng mga pampumblikong mag-aaral at mga guro sa pagbubukas ng pasukan.

Programa sa mag aaral

Ang mga nabiling tablet ay ipapahiram sa tinatayang 110,000 na mga pampublikong mag-aaral. Ito ay ipapamahagi mula kinder hanggang Grade 12 upang makalahok sila sa pinapakulang online learning system ngayong panahon ng pandemiya.

Para naman sa mga guro, may nakalaan na 11,000 laptops naman ang ipapahiram.

Yorme Isko, Naglaan Ng Budget Para Pambili Ng Tablet At Laptop Sa Mag-aaral At Guro 2
Photo Credits: Philippine Star

Ani niya,

“Bibili tayo ng 110,000 na tablet para sa mga Batang Maynila. Walang tosgas (gastos) na ang mga magulang.”

Kapasidad ng gadget

Ayon kay Mayor Isko, kasama na rin sa tablet ang 12 GB na data allocation, na may 2 GB para sa Youtube. Ang mga laptop naman ay sasamahan na rin ng pocket WI-FI.

Yorme Isko, Naglaan Ng Budget Para Pambili Ng Tablet At Laptop Sa Mag-aaral At Guro 3
Photo Credits: Tribune

Sambit pa nito,

“Ayokong pumasok yung (mga) bata na walang kapasidad ang eskwelahan na magturo.”

Ipapamahagi ang mga nabiling gadyet bago magbukas ang pasukan para sa taong 2020-2021.

Digital Learning para sa mag-aaral

Sinabi naman ng Manila Public School Teachers Association (MPSTA) na malaki ang maitutulong ng naturang programa sa pagtahak ng mga estudyante at guro sa online o digital learning.

Ayon naman sa board member ng MPSTA na si Louie Zabala, ang nasabing programa ay isang malaking pag-asa na ibinibigay ng alkalde.

Yorme Isko, Naglaan Ng Budget Para Pambili Ng Tablet At Laptop Sa Mag-aaral At Guro 4
Photo Credits: Tribune

Wika pa nito,

“Ito ay magandang programa para maipagpapatuloy angpag-aaral ng mga Batang Maynila sa gitna ng pandemic crisis na nararansan ng marami sa atin.”

Dagdag pa niya,

“Hindi lahat ng lungsod ay mayroong ganitong sense of accountability sa education ng kanyang kabataan”.

Source: Philippine Star

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: