Press "Enter" to skip to content

Yorme Isko, Sinugod Ang Mga Sabungerong Opisyal Sa Caloocan

Manila, Philippines – Napasugod si Manila Mayor isko Moreno sa Caloocan City upang pasukuin ang barangay chairman at ilang kagawad nito na mga pasimuno sa naganap na sabong sa loob ng Manila North Cemetery.

Patupada sa sementeryo

Nag viral sa social media ang nangyaring sabong sa Manila North Cemetery na kung saan marami ang lumabag sa ipinatupad na quarantine para lang makapunta sa sabungan.

Yorme Isko, Sinugod Ang Mga Sabungerong Opisyal Sa Caloocan 2
Source: Bandera

Ang mga opisyales ng barangay na si Brix John Rolly Reyes at mga barangay kagawad na sina Alfie Lacson, Romualdo Reyes, at John Cris Domingoay ang nasa likod nito.

Sinugod ni Yormi

Kaya naman kasama ang ilang escort na pulis, personal na pinuntahan ni Manila Mayor Isko Moreno ang Barangay 129 ng Caloocan City. Ito’y para manawagan gamit ang public address system sa mga pasaway na opisyales ng barangay na sumuko at mag paliwanag.

Yorme Isko, Sinugod Ang Mga Sabungerong Opisyal Sa Caloocan 3
Source: Inquirer

Tinawag niyang mga “walang hiya” ang mga nasabing talipandas na opisyales na pasimuno ng nasabing sabong.

Panawagan sa publiko

Dahil sa nasabing insidente hindi na napigilan ni Yorme ang kanyang sarili. Ayon sa kanya,

“Kung meron kayong impormasyon sa inyong chairman, or kamag anak nyo si chairman… sabihan nyo na sila na kusang loob na magpaliwanag sa pamahalaang lungsod ng Maynila,”

Yorme Isko, Sinugod Ang Mga Sabungerong Opisyal Sa Caloocan 4
Source: Bandera

“Sa mga taga-Maynila mayroon kayong dapat ipaliwanag. Wala kayong patawad kahit Biyernes Santo… ang kakati ng mga kamay ninyo. Naturingang halal kayo ng bayan na dapat ninyong inaasikaso ang mga kabarangay ninyo”.

Sabi pa ng alkade,

“Ito ang alkalde ng lungsod ng Maynila, pumapasyal sa inyo. Gusto ko lang malaman ninyo na binibigyan namin kayo ng pagkakataong magpaliwanag sa pamahalaang lungsod ng Maynila. Aaraw-arawin namin kayo dito.”

Yorme Isko, Sinugod Ang Mga Sabungerong Opisyal Sa Caloocan 5
Source: Facebook

Dagdag pa niya,

“Kung meron kayong impormasyon sa inyong chairman. Kung kamag-anak niyo si chairman, sabihan niyo silang kusang-loob na magpaliwanag sa pamahalaang lungsod ng Maynila”.

Binigyan ni Mayor Isko ng 48-hours ang barangay officials para magpaliwanag tungkol sa alegasyon sa kanila. Ayon pa sa kanya, hindi niya nais magambala ng oras.

Ang pagsuko

Samantala sumuko na ang mga nasabing opisyales sa kanilang Mayor sa Caloocan na si Mayor Oscar malapitan. Ito’y matapos siyang mag bitaw ng salita na nag uutos para sa agarang man haunt at pwersahang pagpa suko ng mga akusado.

Yorme Isko, Sinugod Ang Mga Sabungerong Opisyal Sa Caloocan 6
Source: Facebook

Ayon pa ki Malapitan, tumawag sa kanya si Reyes sa telepono at nagpa hayag na siya at ang kanyang mga kasamahan ay susuko na.

Sa ngayon, nasa ilalim na ng kustodiya ng Police ng Caloocan ang mga nasabing talipandas na opisyales.

Yorme Isko, Sinugod Ang Mga Sabungerong Opisyal Sa Caloocan 7
Source: Facebook

Matatandaan isinailalim ang Metro Manila at iba pang kalapit lungsod sa community quarantine dahil sa tumataas na dami ng kaso ng Covid-19.

Source: Facebook

One Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: